December 20, 2025

Home SHOWBIZ

Umano'y 'Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino' kuda ni Claudine Co, pinutakti

Umano'y 'Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino' kuda ni Claudine Co, pinutakti
Photo Courtesy: Claudine Co

Usap-usapan ang umano’y pagsagot ni Claudine Co sa gitna ng kinakaharap niyang batikos matapos matuklasan ng publiko ang kaugnayan niya sa mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Batay sa mga kumakalat na ulat at art card sa social media, sinabi umano ni Claudine na wala siyang utang na loob sa mga Pilipino.

“LIKE, hello? Wala kaming utang na loob sa mga Pilipino, okay?” sabi niya.

Sinubukan namang bisitahin ng Balita ang mga social media account ni Claudine ngunit tila burado na ito o naka-deactivate. Ilang social media pages naman ang gumawa pa ng art card ng kaniya umanong sinabi. 

Sa kabila ng ups and downs: Jillian Ward, transformative ang 2025!

Isa si Claudine sa mga tinaguriang “nepo babies” na pinupuntirya dahil sa kanilang maluhong pamumuhay na pinangangalandakan niya online habang gumugulong ang imbestigasyon sa proyektong pipigil sana sa pinsalang dulot ng pagbaha. 

Matatandaang si Claudine ay anak ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Christopher Co at pamangkin ni ngayo’y Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Ayon sa mga ulat, si Christopher ang co-founder umano ng Hi-Tone Construction and Development Corporation, habang si Zaldy naman ay may kaugnayan umano sa Sunwest Group of Companies.

Ang dalawang kompanyang ito ay parehong kasama sa 15 contractor companies na pumaldo sa flood control projects batay sa impormasyong isiniwalat mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Basahin: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?