Tila sumama ang loob ni Senador Raffy Tulfo kay Senador Rodante Marcoleta na siyang tumatayong chairperson ng Blue Ribbon Committee.
Sa kalagitnaan kasi ng imbestigasyon ng komite sa maanomalyang flood control projects nitong Lunes, Setyembre 1, sinita ni Tulfo sa Marcoleta sa hindi nito pagiging patas sa pagbibigay ng oras sa bawat nagtatanong.
“Mr. Chair, excuse me. The last time I was here, I was only allowed two questions by you. And yet ‘yong mga kasamahan ko rito…they allowed na one-to-sawa. Dapat maging fair ka, Mr. Chair,” saad ni Tulfo.
Dagdag pa niya, “‘Pag sinabi mong two questions, two minutes, you have to stick with it. [...] No’ng last time, sabi mo sa akin, two questions lamang. Tinitipid mo ako. And now, pinapayagan mo kahit na ilang questions.”
Ngunit paglilinaw ni Marcoleta, “Bago tayo magkaroon ng impression na walang fair dito, noon, sinabi ko na in the earliest statement na komo nag-uumpisa tayo noon at kailangan nating ma-vacate ang plenary at exactly 2:15 p.m. Kaya tayong nagmadali. Kaya nasabi ko sa inyo, pasensya na muna.”
“Ngayon, sa dami ng gustong magtanong, kaya binigyan natin ng tiglilimang munuto ngayon. Kaya lang, I am following a schedule here,” dugtong pa niya.