December 12, 2025

Home BALITA National

'Si Bong Go na hanep magmalinis kanina sa Senate Investigation'—Trillanes

'Si Bong Go na hanep magmalinis kanina sa Senate Investigation'—Trillanes
Photo courtesy: MB File, Senate of the Philippines

Nagbahagi ng saloobin ang dating senador na si Antonio "Sonny" Trillanes IV patungkol sa pagmamalinis umano ni Sen. Bong Go habang may koneksyon ang tatay ng nasabing senador sa St. Gerrard Construction ng mga Discaya na nagkaroon ng limang (5) flood-control projects sa Davao noong 2017. 

Ayon sa caption ng shared post sa Facebook ni Trillanes ngayong Lunes, Setyembre 1 direktang pinasaringan niya si Sen. Go tungkol sa pagmamalinis umano nito sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa maanomalyang flood-control projects.

Makikita sa ibinahagi ni Trillanes mula sa post ng isang news outlet na paksa ang senador na si Go. 

“Firmed owned by Bong Go’s kin once worked with Discayas for Davao Projects,” saad sa paksa ng ni-share ni Trillanes. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Nagawang direktang banggitin ni Trillanes si Sen. Go na sobra umanong magmalinis sa naging pagdinig para sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood-control projects na ginanap nitong lamang umaga. 

“Si Bong Go na hanep magmalinis kanina sa Senate investigation ay may 800 milyong pisong mga kontrata ang pamilya with Discaya,” ani ni Trillanes sa caption ng kaniyang shared post. 

Dagdag pa niya, “[D]i na kinikilabutan ang mga ito.” 

Isa si Sen. Go sa mga dumalo sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee para ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa maanomalyang flood-control projects sa pangunguna ng Chairperson nito na si Sen. Rodante Marcoleta. 

Samantala, dinumog naman ng netizens sa comment section ng shared post ni Trillanes si Sen. Go. 

Narito ang ilan sa mga iniwan nilang komento:

“Basta from DDS side mga walang credibilities at accountabilities mga iyan. Mas makapal pa sa aspalto mga muka ng mga yan!”

“Trillanes has been right all along.” 

“Bong Go is the OG Great Pretender!”

“Defensive player of the year.” 

“Bank waiver agad bong go and family.” 

“Look at that smile. Does it looks that he had nothing do with his family partnership with the Discaya Group? Or simply says, catch me Triling if you can.”

“As the saying goes "The best defense is a good offense". He was close to the former President, if his family had any delicadeza, they wouldn't have gotten in any government project.”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Sen. Go maging sa kaniyang mga social media accounts kaugnay sa sinabi ni Trillanes.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Jinggoy sa pagbili ni Sarah Discaya ng ₱5M halaga ng kotse: 'Lang, ha? Ansarap ng buhay mo' 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Para hindi kayo ang magilitan lang ng leeg, magturo na kayo’—Sen. Marcoleta

Mc Vincent Mirabuna/Balita