December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Risa, ibinalandra mga presyo ng luxury cars ng mga Discaya; pinakamahal, pumalo ng ₱42M!

Sen. Risa, ibinalandra mga presyo ng luxury cars ng mga Discaya; pinakamahal, pumalo ng ₱42M!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Ibinalandra ni Sen. Risa Hontiveros sa kaniyang opisyal na Facebook page ang halaga ng mga luxury cars ng pamilya Discaya.

"Presyo ng mga LUXURY CARS ayon kay Sara Discaya, nung tinanong siya tungkol sa mga halaga ng kotse n'ya," anang saad sa caption ng nasabing FB post.

Samantala, mapapansin naman na umabot sa ₱42 milyon ang presyo ng pinakamahal na sasakyan ng mga Discaya ng Rolls Royce. 

Habang nasa ₱22 milyon naman ang Maybach Mercedes nila at kapuwa ₱20 milyon naman ang Bentley at Mercedes G 63.

Parachute ng skydiver, sumabit sa traffic light; muntik na mabigti!

Pumalo naman sa ₱16 milyon ang kanilang Range Rover Autobiography habang nasa ₱11 milyon at ₱8 milyon naman ang Cadillac Escalade nila na kulay itim at puti.

Tinatayang ₱11 milyon naman ang dalawang GMC Denali ng mga Discaya, ₱7 milyon sa Range Rover Defender at ₱5 milyon sa Range Rover Evoke.

Nadiskubre din sa Senado na isa sa mga car dealer ng nasabing pamilya ay sangkot umano sa smuggling.

"Yung sinabi n'ya na Frebel Enterprise, ito yung china-charge ng [Bureau of Customs] ng smuggled Bugatti. Puro sumggled ang sasakyan nito," ani Sen. Vicente “Tito” Sotto III.

KAUGNAY NA BALITA: Car dealer ng luxury car ng mga Discaya, sangkot sa smuggling—Senado

Matatandaang sa pagdinig din ng komite nang aminin ni Discaya na bumili siya ng isang luxury car nang dahil lamang daw sa isang payong.

"Balita ko doon sa interview mo, binili mo 'yong isang Rolls-Royce [Cullinan] dahil sa payong?" tanong ni Sen. Jinggoy Estrada.

"Sir, yes po," ani Discaya.

KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, aminadong binili ang isang luxury car dahil natuwa siya sa payong