Hindi napigilang magbigay ng reaksyon si Sen. Jinggoy Estrada sa kalagitnaan ng pagsisiyasat niya kaugnay sa mga presyo ng biniling luxury cars ni Sarah Discaya.
Sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Lunes, Setyembre 1, sinagot ng negosyante at dating mayoral candidate sa Pasig City na si Sarah Discaya na nagkakahalaga ng limang (5) milyong piso ang isa sa kaniyang mga nabiling kotse.
“The Evoque[...] Rang Rover[...] Maliit,” paglalahad ni Discaya.
Pagtatanong naman ni Sen. Estrada, “[M]agkano ito?”
“Nasa five (5) [million pesos] lang yata po siya,” sagot naman ni Discaya.
Hindi napigilang ni Estrada na magbigay ng reaksyon kaugnay sa naging kasagutan ng kaniyang kausap.
“Five (5) million [pesos]. What else? ‘Lang,’ ha? Ansarap ng buhay mo,” anang senador.
Samantala, bago umabot sa puntong ito ng kasagutan ng nasabing negosyante ay nauna nang maisa-isa ni Sen. Estrada at ni Discaya ang mga nabili niyang luxury cars.
KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, umaabot sa isa hanggang tatlo binibiling luxury car sa isang taon
“Tungkol sa mga kotse mo ulit, sinabi mo kasi sa interview mo na apatnapu (40) ‘yong kotse mo [o] luxury cars. Ngayon inamin mo na 28 lang. Anong nangyari sa labindalawa (12)?” pagtatanong ni Sen. Jinggoy.
Nilinaw naman ni Discaya na 28 umano ang kaniyang biniling luxury cars.
“28 po ‘yong luxury cars pero may service cars kasi kami na under the name of the company po,” paglilinaw ni Discaya.
Sa pamamagitan nito, sinagot mismo ni Discaya sa pagdinig ng Senado kung ano-ano ang mga nabili niyang luxury cars at kung magkano niya ito nabili.
“So the Rolls Royce [is] around parang 42 [million pesos].
“The Maybach [Mercedes] parang nasa 22 [million pesos]
“Bently[...] 20 [million pesos]
“G 63 [Mercedes-Benz]. Parang nasa 20 million [pesos] ata.
“‘Yong Cadillac po. ‘Yong SUV. parang mga 11 [million pesos] yata po ‘yon. One white, one black (8 million pesos).
“‘Yong GMC[...] Dalawa. Parang nasa 11 [million pesos each] din yata siya, e.
“‘Yong Suburban. Isa lang po[...] Parang nasa three (3) [million pesos] lang yata siya noon[...]
“[...]’Yong mga binanggit ko kanina, that was only [on] 2022 or ‘21. ‘Yong iba. Let’s say the autobiography, 2016 pa po ‘yon[...] Like Range Rover, 2016 pa po siya[...] 16 [million pesos], 2016 pa po siya.
“Defender. Range Rover. Isa lang po. Parang nasa seven (7) [million pesos] yata po ‘yon[...]” ag-iisa-isa ni Discaya sa pagi-pagitan ng paghihimay na mga katanungan ni Sen. Jinggoy.
Ayon pa kay Sen. Jinggoy, hindi kapani-paniwala ang dami umano na mamahaling sasakyan ang pagmamay-ari nila Sarah at asawa nito.
“[...] [F]or me or for all of us, for all the Filipino people watching, this is unbelievable to have 28 or 40 luxury cars at your disposal [in DPWH],” ayon kay Jinggoy.
Dagdag pa niya, “[N]gayon lang ako nakarinig na isang tao o mag-asawa na ganito ka[r]ami ang kotse na mamahalin. Hindi na bale ‘yong mga fortuner, okay lang. Pero kayo, Rolls-Royce, Maybach Mercedes-Benz, Bentley, Escalade, Range Rover, ilan?[...]”
KAUGNAY NA BALITA: Vico Sotto, sinita mga journalist na umano'y tumatanggap ng bayad sa interview
KAUGNAY NA BALITA: Julius Babao sa ₱10M na bayad ng mga Discaya: ‘Walang katotohanan!’
Mc Vincent Mirabuna/Balita