December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Go, handang pakasuhan kaanak niyang sangkot sa umano'y venture sa mga Discaya

Sen. Go, handang pakasuhan kaanak niyang sangkot sa umano'y venture sa mga Discaya
Photo courtesy: screengrab Senate of the Philippines

Nanindigan si Sen. Bong Go na handa raw niyang kasuhan ang mga Discaya maging ang kaniyang mga kaanak kung mapapatunayang may anomalya ang mga proyekto nito sa gobyerno.

Sa kaniyang pahayag sa imbestigasyon ng Senado sa isyu ng flood control project nitong Lunes, Setyembre 1, 2025, iginiit niyang handa siyang pakasuhan maging ang pamilya niya at nilinaw ding wala siyang kaugnayan sa negosyo ng mga ito.

“Kung mayroon pong pagkukulang o deficiencies or mali. Ako mismo po ang magrerekomenda sa komiteng ito na kasuhan kayo kahit kasama ang kamag-anak ko,” ani Go.

Paglilinaw pa niya, “At ulitin ko for the 9th time, I have nothing to do with business of my family. Wala po akong kinalaman sa negosyo nila.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Saad pa ni Go, simula raw noong 24 taong gulang siya ay nagtatrabaho na siya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte—dahilan upang hindi siya makisali sa negosyo ng kaniyang pamilya.

“I have no involvement in its operations. 24-anyos pa lamang po ako, nagtatrabaho na ako kay former mayor Rodrigo Duterte,” anang senador.

Hindi rin daw nakakalapit ng anumang tulong sa kaniya ang kaniyang mga kaanak hinggil sa pagkakaroon ng kontrata nito sa gobyerno.

“Hindi po nakakalapit sa akin ang pamilya ko para humingi ng pabor sa kontrata ng gobyerno 'yan po ang sinabi ko noon pa,” aniya.

Nakahanda rin daw siyang magbitiw sa puwesto kung mapapasok nito ang opisinang malapit o may kaugnayan sa kaniyang trabaho.

“I will resign kapag pumasok sila sa City Hall o sa Malacañang pa,” saad ni Go.

Dagdag pa niya, “Ayoko po makisali sa negosyo ng pamilya ko, at ayaw ko rin po silang makialam sa trabaho ko. Sa totoo lamang po, mas nakakalapit pa po sila sa ilang politko pero hindi po sa akin.”