Nagpahayag ng isang suhestiyon si Sen. Bam Aquino na gumamit ng iba pang estratehiya upang masugpo ang problema ng bansa pagdating sa baha.
Ibinahagi ni Sen. Bam sa isang Facebook post ang kaniyang suhestiyon na tawagin ang atensyon ng mga siyentipiko ukol sa isyung kinahaharap ng bansa.
“Panahon na para gumamit ng ibang istratehiya. Let’s tap our world-class Filipino scientists and other experts in preventing flooding,” ani Sen. Bam.
“Marami silang maiaambag sa pagresolba ng problemang ito,” dagdag pa niya.
Sinilip din ng senador ang aniya’y palpak na flood control projects, na sa halip na gastusan iyon, ilaan na lang sa programang makatutulong sa problema.
“Sa halip na gumasta tayo ng daang-bilyong piso sa flood control projects na kadalasa’y palpak at pinagmumulan pa ng katiwalian, pondohan natin ang mga programang tiyak na magbibigay proteksiyon sa taumbayan at sa ating kinabukasan,” aniya.
Umani naman ng samu’t saring mga komento at reaksyon ang nasabing post ng senador.
“Thank you, Senator Bam Aquino. Please fund Scientific Proposals related to policy development and not only proposals related to product development. The same is true with educational research.”
“Mga Botante tayo ang napurwisyo dito hindi yung mga binoto.Nasan na sila ngayon?May lumusong ba?Huwag ng bumoto ng nakaugat na sa politika ang mga pangalan,sigurado yan may inaalagaang TARA.MADALA AT MATUTO na tayo!Biruin mong laking purwisyo nito!!REFLECTION na hindi magagaling at mamalasakit ang mga LEADER”
“Establishing a water collection facility in Pampanga would be a great step forward. By collecting and treating water, we can ensure a reliable supply during the dry season—supporting farming and other essential activities. This initiative could bring long-term benefits to the community and promote sustainable water use.”
“Kasabay ng tunay at maayos na programa sir, kailangan din nating kundenahin at singilin yung mga pribado at malalaking kompanya na sumisira sa kalikasan dahilan para sa paglalala ng kalamidad. Kahit ilang flood control yan, pondohan mo ng bilyon, wala pong magagawa yan kung tuloy tuloy yung mga malalaking kompanya sa mga aktibidad nila.”
Matatandaang ilang mga mambabatas na rin ang nagbigay ng kani-kanilang mga sentimyento ukol sa isyu ng flood control projects tulad nina Sen. Bong Go, Sen. Win Gatchalian, at Sen. Ping Lacson.
MAKI-BALITA: Sen. Bong Go, dismayado sa flood-control projects: ‘Pondo, sana sa health na lang!’-Balita
MAKI-BALITA: Ililipat pondo sa DepEd? Sen. Win binalaan DPWH sa ‘ampaw’ na flood-control projects-Balita
MAKI-BALITA: Lacson, 'di naniniwalang 'isolated case' sa DPWH ang isyu ng flood control-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA