December 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Mamatay kayo sa inis:' Utol ni Gela Alonte, bumwelta sa bashers?

'Mamatay kayo sa inis:' Utol ni Gela Alonte, bumwelta sa bashers?
Photo Courtesy: Gelo Alonte (TikTok)

Napukaw ang atensyon ng marami sa mga paskil ng isang account na nakapangalan sa kapatid ni social media influencer Gela Alonte na si Gelo.

Si Gela ay social media influencer at anak ng kasalukuyang Mayor ng Biñan City na si Angelo Alonte. Bukod dito, siya rin ay jowa ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 4th Big Placer River Joseph.

Matatandaang kabilang si Gela sa mga napag-iinitan ng publiko dahil mula siya sa pamilya ng mga politiko na todo-flex ng maluhong pamumuhay habang naghihirap ang marami.

Pinag-usapan pa nga ng netizens ang lumutang na video clip mula sa TikTok live ni Gela matapos siyang tanungin tungkol sa opinyon niya sa political dynasty sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

“Paano ba iyan, nasa political dynasty iyong pamilya ko. I mean, controversial,” ani Gela habang natatawa.

Ngunit nilinaw niya sa pamamagitan ng X post na kinabahan daw siya sa tanong kaya ganoon ang naging paraan niya ng pagsagot.

Kaya sinubukan ng Balita na bisitahin ang nasabing account ni Gelo sa TikTok. Makikita rito na puro pasaring sa mga basher ang post niya.

“Pilit mong sisirain 'yong tao kasi nakikita mo sa kaniya 'yong buhay na gusto mo, sobrang pait talagang lunukin ng inggit no?” saad sa text caption ng isang video ni Gelo.

Dagdag pa rito, “Tapos paulit-ulit yung word na 'corrupt parents mo' wala namang kasiguraduhan, mamatay kayo sa inis!!!”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:"Sana all baliw "

"clout chaser ka beh"

"Okay may pera ka! “Kayo” (nagaling sa aming mga pawis) yass given nayun sa inyo ng pamilya mo pero di talaga mapag kakailang SHONGET ka HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA"

"sirain? sana hindi nagnanakaw tatay mi sa kaban ng bayan edi sana wala kayo basher hahahahaha...hindi ka na naman nag think ng maayos sayang pag papaaral namin sayo!!"

"saan kinuha yung kapal nang mukha? ahhhhh SA PAMILYA HAHAHAHAHAHA"

"para matigil yung allegations, magpakita kayo ng proof na di nakaw yung pera nyo"

"Normalize public shaming and calling out all corrupt politicians and their families who shamelessly flaunt our tax money. Staying silent only protects those who fail us. Let’s raise our voices, shame them, post them, pressure them, ask the hard questions, and demand real solutions from our leaders. We don’t deserve the bare minimum."

Ngunit kapansin-pansing kagagawa lang ang account ni Gelo sa TikTok na nakapangalan sa kaniya. Ang kaniyang kauna-unahang post ay ipinaskil niya apat na araw pa lang ang nakakalipas.

Kaugnay na Balita: Mister ni Angel Locsin, dinepensahan si Gela Alonte