December 14, 2025

Home BALITA National

LPA, habagat nakakaapekto sa bansa—PAGASA

LPA, habagat nakakaapekto sa bansa—PAGASA
PAGASA

Patuloy na nakakaapekto ang low pressure area (LPA) at southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Lunes, Setyembre 1.

Sa datos ng PAGASA as of 4:00 PM, huling namataan ang LPA sa layong 865 kilometro silangan ng Hilagang Luzon. 

Bagama't mababa ang tsansang maging bagyo sa loob ng 24 na oras, makakaapekto pa rin ito sa Aurora, Quezon, Camarines Norte, at Camarines Sur. Ayon sa weather bureau, posible ang flash floods at landslides bunsod ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan. 

Makakaapekto naman ang southwest monsoon o habagat sa Metro Manila, Visayas, nalalabing bahagi ng Central Luzon, nalalabing bahagi ng CALABARZON, at iba pang bahagi ng Bicol Region. 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Posible rin ang flash floods at landslides bunsod ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan, ayon sa PAGASA.

Samantala, asahan ang maulap na kalangitan na may hiwa-hiwalay na buhos ng ulan sa iba pang bahagi ng bansa dulot ng localized thunderstorms.