Kasunod ng maaanghang nitong mga pahayag ukol sa umano’y maanomalyang flood control projects, humirit ng isang pagbati si dating senadora at kasalukuyang Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima bilang pagbungad sa “Ber months.
”Ibinalandra ni De Lima sa kaniyang Facebook post nitong Setyembre 1 ang direkta niyang pagbati sa mga umano’y “korap” sa pagpasok ng buwan ng Setyembre.
“Happy Ber Months sa lahat except sa mga corrupt!” ani De Lima.
Ito ay matapos magkomento ang dating senadora na itigil na umano ang sobra-sobrang kawalanghiyaan ukol sa isyu ng mga proyekto sa baha, at nang kuwestiyunin niya ang paglusot ng samu’t saring “kalokohan” patungkol dito.
MAKI-BALITA: De Lima sa maanomalyang flood control projects: 'Sobra-sobra na ang kawalanghiyaan!'-Balita
Tila hindi rin napigilan ng ilang netizens ang magkomento sa nasabing post ni De Lima.
“Happy Ber months ma'am. Unti unti na nating nakikita ang liwanag.”
“Idol... My late dad has high respects for the delima, with your late dad and aunt lilia. We have always been behind you.”
“Happy Ber months too madam. God bless your mission. "DIOS TI AG NGINA." Matagu tago kayo po... (Long live).”
“Dapat po magtulungan tayo lahat para masugpo ang mga magnanakaw at matatakaw n official ng gobyerno at mabuwag ang mga sindikato mam”
“...Araw Araw po pasko sa kanila..at may travel abroad pa bawat bigay na kontrata ng mga kumpare nila at kamaganak!! pinagpala ng empiyerno!!”
Sa kasalukuyan, patuloy na dinidinig ang isyu ukol sa maanomalya at peke umanong flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Erwin, suportado rin pagkakaroon ng 'independent body' sa flood control probe-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA