Inulan ng samu’t saring mga reaksiyon at komento ang pag-aanunsyo ng walang pasok ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes, Setyembre 1, 2025.
Nitong Lunes pasado 5:30 ng umaga nang mag-anunsyo ang DILG ng suspensyon ng klase para sa iba’t ibang lugar sa bansa—bagay na tila hindi ikinatuwa ng netizens dahil nasa byahe at nakapasok na raw ang mga bata.
"Mga Abangers. Medyo huli ang paalam. Ayon sa NDRRMC, malakas ang ulan sa mga sumusunod na lugar. Ayon din sa parehong report, possible ang baha sa mga sumusunod na lugar, NCR, Cavite, Laguna, Bulacan. Classes in all levels (Public and Private) and government work are suspended in the following areas, September 1, 2025 (Lunes)...," anang DILG.
Bunsod nito, binaha ang comment section ng mga sentimyento ng mga estudyante at magulang na mga nagsipag-ayos at bumiyahe na raw nang maaga sa kabila ng pag-ulan.
"Di ba 'yan pwede at least 5am kung kelan nsa byahe na eh!"
"5:38 mag aanounce ng suspension gusto ko lang malaman niyo na may mga bata pumapasok sa paaralan ng maaga!"
"Kawawa naman ‘yung ibang nakapasok na sa school."
"Hinig n'yo ba alam ang oras ng mga eskuwelahan lalo na sa mga shifting!?"
"Hindi na nga seryoso mag-announce late pa!"
"Jonvic Remula ano bang alam mo?"
Pinuna rin ng netizens ang nasa dulong bahagi ng nasabing post ng DILG na iginigiit na magtalukbong na raw.
"Kaya ano pa? Balik talukbong na."
Ayon sa ilan, paano raw kasi magtatalukbong kung nakasugod na ang karamihan sa gitna ng ulan?
"Ikaw na lang magtalukbong Jonvic!"
"Late na nga ikinatuwa pa."
"Naka-incompetent!"
"Nakapasok na anak ko ganiyan pa announcemnt mo."
"Magdamad ang ulan, pumasok mga bata sasabihin mo magtalukbong?"
"Agahan n'yo hindi yung puro talukbong inuuna mo!"