December 13, 2025

Home BALITA

'Expectation vs Reality?' Diokno dismayado sa dumating na bahang mala-'swimming pool'

<b>'Expectation vs Reality?' Diokno dismayado sa dumating na bahang mala-'swimming pool' </b>
Photo courtesy: Chel Diokno (FB), Contributed photo


Nagpahayag ng pagkadismaya si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno matapos makaranas ng mala-”swimming pool” na baha ang Metro Manila, kasama ang karatig-siyudad nito.

Ibinahagi ni Diokno sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Agosto 31, ang tila “expectation vs. reality” na kaganapan ukol sa pagbaha at sa umano’y peke at maanomalyang flood control projects sa bansa.

“Ang inorder natin, flood control, ang dineliver, swimming pool!” ani Diokno.

Kinumusta din niya ang ilan sa mga katulad niyang nagbabayad ng buwis, at kung sila ba ay ligtas sa panganib ng pagbaha.

“Kumusta kapwa taxpayers? Sana safe kayo sa kabila ng baha!” aniya pa.

Umani ng iba’t ibang reaksyon at komento ang nasabing post ni Diokno.

“teka, patapos na 15min break ko, kayod muna ako para may pambili yung mga nepo babies ng bags & shoes nila BRB”

“Kung pwede lang hindi na mag bayad ng tax since pera naman natin un at binubulsa lang ng mga sakim sa pera. Andaming baha sa lahat ng area. Bigay ko na lang sa mga Useful na samahan na mas may alam at inuuna ang pilipino.”

“Ang susunod na problema, Leptospirosis Outbreak”

“KAYA NAPAG IIWANAN NA ANG PILIPINAS NG IBANG BANSA ... DAHIL SA MGA KURAKOT SA KABAN NG BAYAN”

“Kung tlgang galit kayo jan, kalampagin mo ang admin. Lalo ung big 6 na cong”

“Atty, it's time to shine, so dont miss this opportunity to prove that you are truly against corruption and for accountability as you said about the vp, para sa taong bayan, with very clear and solid evidence of massive flooding, there's no way to lose a case against corrupt people. So don't disappoint the taong bayan.”

Kinuwestiyon din niya kung bakit bilyon umano ang ginastos ngunit bumabaha pa rin. Nainis din niyang alamin kung sino ang pumirma, nag-award, at nakinabang sa mga nasabing proyekto.

Matatandaang inamin ng isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mayroon talagang “ghost projects” ang ahensya.

MAKI-BALITA: Opisyal ng DPWH, umamin sa ghost projects ng ahensya-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA