December 13, 2025

Home BALITA National

Estrada kay Discaya tungkol sa 28 luxury cars: 'You bought that from the taxpayers' money?'

Estrada kay Discaya tungkol sa 28 luxury cars: 'You bought that from the taxpayers' money?'
photo courtesy: Senate of the Philippines (YouTube)

'YOU BOUGHT THAT FROM THE TAXPAYERS' MONEY?'

Diretsahang tinanong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Sarah Discaya tungkol sa 28 luxury cars nito. 

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 1, diretsahang tinanong ni Estarada si Discaya kung binili ba nito ang 28 luxury cars gamit ang pera ng taxpayers.

Nauna nang binanggit ni Discaya na 28 lang ang luxury cars nila, taliwas sa unang nabanggit niya sa mga interview, na nasa 40 ang luxury cars na meron sila ng asawa niyang si Pacifico "Curlee" Discaya.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

"Paano kayo nagkainteres sa kotse? Saan n'yo gagamitin yung 28 luxury cars? Araw-araw gusto mo magpalit ng kotse?" giit ni Estrada. 

"I have four kids that uses it all the time...," ani Discaya. 

"And you bought that from the taxpayers' money?" tahasang pagtatanong ng senador.

"No po. Hindi po," sagot ng dating Pasig City mayoral candidate. 

"Huwag na tayong maglokohan dito," saad pa ni Estrada.

Kaugnay nito, inamin ni Discaya na bumili siya ng isang luxury car dahil natuwa siya sa payong na feature nito.

Maki-Balita: Sarah Discaya, aminadong binili ang isang luxury car dahil natuwa siya sa payong