December 13, 2025

Home BALITA

Car dealer ng luxury car ng mga Discaya, sangkot sa smuggling—Senado

Car dealer ng luxury car ng mga Discaya, sangkot sa smuggling—Senado
Photo courtesy: screengrab Senate of the Philippines

Nadiskubre sa pagdinig ng Senado na sangkot umano sa smuggling ang isa sa dalawang car dealers ng luxury car ng mga Discaya.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 1, 2025, inihayag ni Senate Minority Leader Vicente "Tito" Sotto III, na sangkot daw sa smuggling ng iba pang luxury cars ang Frebel Enterprise.

"Yung sinabi n'ya na Frebel Enterprise, ito yung china-charge ng [Bureau of Customs] ng smuggled Bugatti. Puro sumggled ang sasakyan nito," ani Sotto.

Pinangalanan din ng senador ang ilang mga sasakyang nasabat mula sa nasabing car dealer kabilang ang Porsche Boxster 2001, Mercedes Benz SLK350 2001, Ferrari Scuderia f430 2008, Mercedes Benz SLK55 2001, Mercedes Benz E220 2011, Mercedes Benz 500 at dalawang Bugatti.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Mariing namang itinanggi ni Sarah Discaya na mayroon siyang Bugatti sa kaniyang 28 luxury cars.

Bunsod nito, iginiit naman ng pagkakaugnay ni Discaya sa Frebel Enterprise, iginiit ni Sen. Risa Hontiveros na maaari daw itong maipasok sa posibleng offense sa committee report ng Senate Blue Ribbon Committee.

"So based doon sa information ni Minority leader may iba pa pong possible offenses na mapasok dito sa findings natin dito sa inyong committee report po," ani Hontiveros.

Matatandaang sa pagdinig din ng komite nang aminin ni Discaya na bumili siya ng isang luxury car nang dahil lamang daw sa isang payong.

"Balita ko doon sa interview mo, binili mo 'yong isang Rolls-Royce [Cullinan] dahil sa payong?" tanong ni Sen. Jinggoy Estrada.

"Sir, yes po," ani Discaya.

KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, aminadong binili ang isang luxury car dahil natuwa siya sa payong