December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bilang taxpayer: Jodi Sta. Maria, nanawagan ng accountability

Bilang taxpayer: Jodi Sta. Maria, nanawagan ng accountability
Photo courtesy: Jodi Sta. Maria PH (FB)/IG via Fashion Pulis

Maging ang tinaguriang "Silent Superstar" ng Kapamilya Network na si Jodi Sta. Maria ay tila umalma na rin sa mga isyu ng anomalya hinggil sa mga "ghost projects" at iba pang porma ng katiwalian.

Ibinahagi ni Jodi sa kaniyang Instagram story ang ilang mga naka-collage na larawang nagpapakita ng iba't ibang mga isyung pinag-uusapan kaugnay ng katiwalian sa pamahalaan.

Mababasa sa text caption ng mga larawang ibinahagi ni Jodi ang kaniyang tila pagkadismaya, bilang isang nagbabayad ng buwis.

"We work hard, give what we can, and pay our taxes trusting they serve the greater good. But when they uplift only a few, it makes me think – true change rests not only in our choies, but also in holding accountable those who deliberately break public trust," aniya.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Jodi ang mga problema sa mga substandard na daan, pagbaha, pasilidad ng silid-aralan, at confidential funds.

Mainit ang usapin ngayon sa akto ng korapsyon, lalo na pagdating sa bilyong pondo sa flood-control projects, sa alegasyong nagsasangkot sa ilang mga contractor na kinuha ang serbisyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Marami kasi sa mga proyekto ng DPWH ay napag-alamang "ghost" projects lamang, kaya ganoon na lamang katindi ang mga nararanasang pagbaha, lalo na sa Metro Manila.

Mula mismo ito sa kumpirmasyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.