Isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros ang 9 na calling cards mula sa 9 na constructions firms na nakapangalan sa mga Discaya.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa imbestigasyon ng flood control project nitong Lunes, Setyembre 1, 2025, ibinahagi ni Hontiveros ang kopya ng nasabing mga calling cards ng mga "King and Queen of Flood Control," na ibinansag ng Philippine Center for Investigative Journalism.
Narito ang 9 na calling cards:
1. Alpha and Omega Construction
2. St. Timothy Construction
3. St. Gerrard Construction
4. Elite General Contractor and Development Corp
5. St. Matthew General Contractor & Development
6. Great Pacific Builders and General Contractor
7. YPR General Contractor and Construction Supply
8. Amethyst Horizon Builders and General Contractor & Dev’t Corp.
9. Way Maker OPC
Samantala, inamin mismo ni Sarah Discaya na pagmamay-ari nila ang mga nabanggit na construction firms.
Matatandaang kabilang sa 15 constructions firms na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na nakakuha ng malalaking pondo sa nasabing proyekto ay ang dalawang firm ng mga Discaya na Alpha and Omega Construction at St. Timothy Construction.