December 13, 2025

Home BALITA

Sinusuhulang ibasura inihaing kaso? Apela ni Sen. Imee sa OIC ng Ombudsman, ‘Wag magpasakop, dinggin ang konsensya!’

Sinusuhulang ibasura inihaing kaso? Apela ni Sen. Imee sa OIC ng Ombudsman, ‘Wag magpasakop, dinggin ang konsensya!’
Photo courtesy: Senate of the Philippines, Contributed photo

Inihayag ni Sen. Imee Marcos na may nakapagsabi raw sa kaniyang may nanunuhol na umano kay Officer In Charge (OIC) Ombudsman Dante Vargas para sa pagbasura ng isang kontrobersyal na kaso.

Sa kaniyang press release nitong Linggo, Agosto 31, 2025, iginiit niyang pine-pressure na raw si Vargas ng ilang makapangyarihang tao upang maibasura ang isang kasong nakabinbin sa tanggapan ng Ombudsman.

“May mga nagsabi sa’kin na si OIC Ombudsman Dante Vargas ay pine-pressure ngayon. Kasama dito ang malalaking halaga ng suhol, sinusubukan ang kaniyang karangalan—mula sa ilang makapangyarihang tao para lang ibasura ang isang kontrobersyal na kaso na aking inihain,” ani Marcos.

Saad pa niya, ito raw ang magbibigay-daan upang ma-appoint ang isa sa mga naturang nanunuhol.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Kapag nangyari ‘yon, magbubukas daw ng daan para ma-appoint ang isa sa kanila,” anang senadora.

Bunsod nito, nanawagan ang senadora kay Vargas na manindigan daw sa sinumpaan nitong tungkulin.

“Kaya nananawagan ako kay OIC Ombudsman, please, huwag kang magpasakop, dinggin mo ang iyong konsensya. Panindigan mo ang sinumpaan mong tungkulin,” saad ni Marcos.

Matatandaang noong Mayo 2025 nang tuluyang magsampa ng reklamo sa Ombudsman si Sen. Imee laban sa limang top official government, kabilang si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na nagsumite rin ng aplikasyon sa pagka-Ombudsman.

KAUGNAY NA BALITA: DOJ Sec. Remulla, inaasam posisyon sa Ombudsman: 'I have a lot to offer there!'

Personal na nagtungo si sa opisina ng Ombudsman upang paimbestigahan sina Boying at kapatid niyang si Interior Secretary Jonvic Remulla, mga dating PNP Chief na sina Rommel Marbil, Nicolas Torre III at Special Envoy on Transnational Crimes Markus Lacanilao—na sangkot sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdala sa kaniya sa International Criminal Court (ICC).

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, inireklamo 5 top gov’t officials na sangkot sa pag-aresto kay FPRRD

Iginiit ng senadora na magpakita raw sana ng delicadeza si Vargas laban sa banta ng panunuhol sa kaniya.

“At higit sa lahat, sana ipakita rin ni OIC Ombudsman Vargas ang delicadeza—hayaan na ang bagong Ombudsman ang magdesisyon sa kasong ito.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Ombudsman hinggil sa naturang isyu.