December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sa lahat ng 'nepo babies:' Kris, pinuring stand out sa pagbabayad ng buwis

Sa lahat ng 'nepo babies:' Kris, pinuring stand out sa pagbabayad ng buwis
Photo courtesy: Tita Krissy Achino (FB)

Usap-usapan ang Facebook post ni "Tita Krissy Achino," ang impersonator ni Queen of All Media Kris Aquino, matapos niyang sabihing sa lahat daw ng tinaguriang "nepo babies," namumukod-tangi raw si Krissy sa transparency at consistency sa pagbabayad ng kaniyang tax obligations.

Sa gitna ng usapin tungkol sa tinaguriang mga nepo babies sa mundo ng politika at showbiz sa Pilipinas, isang pangalan daw ang nangingibabaw hindi lamang dahil sa kasikatan kundi sa pagiging transparent at consistent sa pagbabayad ng buwis—at ito nga ay si Kris, na hanggang sa kasalukuyan ay nakikipaglaban sa kaniyang mga iniindang karamdaman.

"Among all the so-called “nepo babies” of Philippine politics/show business, Kris Aquino stands out for one thing most people often overlook… her transparency and consistency in paying her tax obligations. Whether you’re a fan or a critic, her dedication and work ethics are obviously undeniable," mababasa sa post.

"For those who grew up watching her in the early 2000s, her dominance on television was quite impossible to miss. Talk Shows in the morning, Game Shows in the evening, countless Blockbuster Movies, Late-Night Showbiz Interviews, at may Weekend Showbiz Talk Show pa siya ha, to name a few. On top of that, her endorsements rolled out one after another, cementing her as one of the most visible personalities of her time," dagdag pa.

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

Ngunit higit pa sa kaniyang kasikatan, malinaw raw ang record niya pagdating sa pagbabayad ng buwis. Nag-cite pa si Tita Krissy ng mga datos mula raw sa Bureau of Internal Revenue (BIR), mula 2008 hanggang 2015 kung saan nakapagbayad daw ang TV host-actress ng kabuuang ₱322,098,558.74 sa income tax.

Ilan daw sa kaniyang “peak years” ay ang sumusunod:

2008 – ₱25.4M (Top #8)

2010 – ₱32.3M (Top #17)

2011 – ₱49.87M (Top #1)

2014 – ₱54.53M (Top #6)

2015 – ₱61.74M (No Ranking Available)

Ayon kay Tita Krissy, ang mga numerong ito ay patunay raw ng lawak ng kaniyang tagumpay at ng pagiging bukas niya sa obligasyong pinansyal.

"The numbers speak for themselves. At her peak in the 2010s, no other celebrity came close to her level of visibility, influence, and workload," aniya.

Kaya naman hanggang ngayon daw, nananatili raw kay Kris ang titulong "Queen of All Media."

"Even now, Kris Aquino remains in a league of her own. Her legacy as the “Queen of All Media” is still unmatched. Now, that’s a fact!" aniya pa.

Sundot pa niya, "Imagine?! Pwede naman niyang dayain ‘yan at hindi na lang i-declare, but she chose to pay the right amount. Grabe, the Madæm is Madæming… hahaha!"

Kamakailan lamang ay naging paksa ng usapan sa social media ang tinatawag na "nepotismo" o "nepo babies" dahil sa isyu ng mga anak ng mga umano'y sangkot na contractor sa anomalya hinggil sa flood-control projects.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'