December 17, 2025

Home BALITA

Richard Heydarian sa isyu ng pagbaha: 'Time to file criminal cases!'

<b>Richard Heydarian sa isyu ng pagbaha: 'Time to file criminal cases!'</b>
Photo courtesy: Richard Heydarian (X)


Ibinahagi ng political analyst na si Richard Heydarian ang kaniyang sentimyento ukol sa malawakang baha na naranasan ng Metro Manila, kasama ang karatig nitong mga rehiyon.

Mababasa sa X post ni Heydarian ang umano’y pinsalang naranasan ng mga hinagupit ng ulan at baha noong Sabado, Agosto 30, at oras na umano para kasuhan ang mga nasa likod ng pangyayaring ito.

“Time to file CRIMINAL CASES!!!! A decade of FAKE FLOOD CONTROL projects is RISKING LIVES!!! K[a]unting ulan lang ganyan na!????,” aniya.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon at komento ang post ng nasabing analyst.

“That’s BUILD BUILD BUILD - Duterte legacy.”

"Kasalanan ng mga tao yon kasi nilalagyan nila ng basura yung drainage system nila di na yon kasalanan ng gobyerno. -Cynthia Villar”

“Lalo na kapag may namatay sa leptospirosis at ibang sakit dahil sa KLEPTOSPIROSIS. The blood is on the hands of corrupt government officials and their Marie Antoinette nepo babies.”

“Nah. Time to bring back the death penalty.”

“Buhay ng tao ang nakasalalay, so dapat lang na buhay ng mga corrupt ang kapalit. Simple as that.”

“Isa lang ata yung maayos na flood control project eh. Dun sa bgc.”

Matatandaang sinampahan ng kasong “indirect contempt” ang political analyst kasama si Akbayan Party-List Rep. Percival Cendaña, matapos umano nilang magpahayag ng mga “malicious” at “scandalous” public attacks laban sa Korte Suprema.

MAKI-BALITA: Perci Cendaña, Richard Heydarian tuluyang sinampahan ng 'indirect contempt'-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA