Nagpaabot ng pasasalamat si showbiz insider Ogie Diaz sa anak niyang si Eren dahil hindi nito sinuot ang mamahaling damit para sa pictorial sa kaarawan nito.
Sa latest Facebook post ni Ogie noong Sabado, Agosto 30, sinabi niya ang dahilan kung bakit niya pinasalamatan ang anak.
“Gusto ko lang magpasalamat sa anak ko, dahil hindi niya sinuot yung mamahalin niyang damit dito sa mga pics, hindi rin niya ginamit ang mamahalin niyang bag at sapatos, dahil mahirap na. Baka ma-lifestyle check siya at mapagkamalan siyang nepo baby,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Actually, andami ko pang sinasabi eh gusto ko lang namang batiin ang aking panganay na anak ng ‘Happy 24th birthday, Erin!’ Siya ang una sa limang batang naging pruweba na kaya ko palang maging isang ama.”
Matatandaang kinukuyog ngayon ang ilang personalidad matapos matuklasan ng publiko ang kaugnayan ng mga ito sa mga politiko at kontratistang sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'
Pero ayon kay House spokesperson Atty. Princess Abante, mas mabuti umanong tutukan ang problema kaysa i-bully ang mga nepo baby.
“‘Wag tayong maging selective kung saan tayo magiging sensitibo sa isyu ng bullying. [...] But definitely, if dapat may magiging pananagutan, daanin natin sa tamang proseso. At sana mapanagot talaga this time around,” dugtong pa niya.
Maki-Balita: Panawagan ng House spox: Mas tutukan ang problema kaysa mambully ng nepo babies