December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Mister ni Angel Locsin, dinepensahan si Gela Alonte

Mister ni Angel Locsin, dinepensahan si Gela Alonte
Photo Courtesy: Neil Arce, Gela Alonte (IG)

Pinagtanggol ng asawa ni Angel Locsin na si Neil Arce si Gela Alonte sa gitna ng mga batikos na natatanggap nito 

Si Gela ay social media influencer at anak ng kasalukuyang Mayor ng Biñan City na si Angelo Alonte.

Matatandaang kabilang si Gela sa mga napag-iinitan ng publiko dahil mula siya sa pamilya ng mga politiko na todo-flex ng maluhong pamumuhay habang naghihirap ang marami.

Pinag-usapan pa nga ng netizens ang lumutang na video clip mula sa TikTok live ni Gela matapos siyang tanungin tungkol sa opinyon niya sa political dynasty sa Pilipinas. 

'Personal ang pagboto!' Romnick, 'di nag-eendorso sa mga anak ng politikong iboboto

“Paano ba iyan, nasa political dynasty iyong pamilya ko. I mean, controversial,” ani Gela habang natatawa.

Ngunit nilinaw niya sa pamamagitan ng X post na kinabahan daw siya sa tanong kaya ganun ang naging paraan niya ng pagsagot.

Ayon sa kaniya, “I didn’t laugh out of pride or arrogance ; it was a nervous response to a question I knew would be met with criticism no matter how I answered.”

“That was my mistake, and I take accountability for how I handled that moment,” dagdag pa ni Gela.

Kaya sa Instagram story ni Neil noong Sabado, Agosto 30, sinabi niyang nasaksihan umano niya ang pagsisikap ni Gela para makuha nito lahat ng bagay na tinatamasa nito ngayon.

Aniya, “History would prove that I would be 100% supportive of bashing the corrupt. But not Gela Alonte.”

“I have seen her work hard for what she has and I have never seen a glimpse of brattiness or privilege when I work with her. Let's continue lling people out but let's also make sure we call,” dugtong pa ni Neil.

Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'

Inirerekomendang balita