December 12, 2025

Home BALITA

Ejercito sa pagkatalaga kay Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH: 'I wish him well'

Ejercito sa pagkatalaga kay Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH: 'I wish him well'
Photo Courtesy: JV Ejercito (FB), Santi San Juan/MB

Naghayag ng reaksiyon si Senador JV Ejercito sa pagkakatalaga kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH)

Matatandaang tinanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagbibitiw ni DPWH Sec. Manuel Bonoan sa posisyon na magiging epektibo sa Lunes, Setyembre 1.

Maki-Balita: PBBM, tinanggap resignation ni DPWH Sec. Bonoan

Kaya sa latest Facebook post ni Ejercito nitong Linggo, Agosto 31, sinabi niyang haharap umano si Dizon sa lubhang mapanghamong trabaho para maibalik ang tiwala ng publiko sa ahensyang pamumunuan nito.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“I wish him well and all the luck, because he will need plenty of it, perhaps even a miracle, to turn around the embattled Department! He can count on our support on this new assignment,” dugtong pa ng senador.

Samantala, si DOTr Usec. Giovanni Z. Lopez ang magsisilbing acting secretary sa ahensyag lilisanin ni Dizon.