December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Alden Richards, may pasimpleng banat sa korupsiyon

Alden Richards, may pasimpleng banat sa korupsiyon
Photo Courtesy: Alden Richards

Tila hindi na rin nakapagtimpi pa si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa talamak na isyu ng korupsiyon sa bansa.

Sa isang Instagram story kasi ni Alden nitong Linggo, Agosto 31, ibinahagi niya ang kumakalat na video kung saan tampok ang dalawang batang nagtatrabaho sa murang edad habang pinapangalandakang ng content creator na si Jammy Cruz ang luho nito.

Nakalapat din sa video ang “Upuan” ni Gloc 9 bilang background music.

Batay sa isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na listahan ng 15 contractor companies na pumaldo sa flood control projects, kasama rito ang Sto. Cristo Construction and Trading Inc. kung saan nagsisilbi bilang general manager ang ama ni Jammy.

Tsika at Intriga

'Naiinis din ako, ano nangyayari?' Regine frustrated na, bet na sulatan si PBBM

Basahin: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?

Sey tuloy ni Alden, “Gising na…sobra na.”

Samanatala, ipinag-utos na ng pangulo ang pagsasagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng gumugulong na imbestigasyon sa flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Sa gitna ng imbestigasyon sa flood control: PBBM, pinag-utos lifestyle check sa mga opisyal

Matatandaang binakbakan ni Marcos sa ikaapat niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo  ang mga umano’y nangurap sa flood control project na lalong nagpalala ng baha sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'