January 06, 2026

Home BALITA Internasyonal

Turistang Pinoy, patay matapos mawalan ng malay sa isang ride sa HK Disneyland

Turistang Pinoy, patay matapos mawalan ng malay sa isang ride sa HK Disneyland
Photo courtesy: via MB

Isang 53 taong gulang na Pilipino ang nasawi matapos mawalan ng malay habang nakasakay sa rides sa Hong Kong Disneyland noong Biyernes, Agosto 29, 2025.

Ayon sa mga ulat, bandang 10:00 ng umaga noong Biyernes nang mawalan ng malay ang biktima habang nakasakay sa Frozen Ever After attraction. 

Lumalabas din sa imbestigasyon na mayroon umanong pre-existing medical condition ang biktima kung saan mayroon na raw itong high-blood pressure at sakit sa puso.

Nilinaw naman ng mga awtoridad na walang kinalaman sa seguridad ng Hong Kong Disneyland ang pagpanaw ng biktima.

Internasyonal

‘Be mindful!’ PH Embassy, nagbaba ng abiso para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Venezuela

Ayon pa sa mga ulat, sinubukan pa raw respondehan ng mga tauhan ng Hong Kong Disneyland ang biktima at agad na isinugod sa ospital. Subalit, bandang 11:30 ng umaga nang tuluyang idineklara sa ospital ang kaniyang pagpanaw.

Ang Frozen Ever After ride ay parte ng World of Frozen land na nagbukas noong 2023. Ito ay bukas sa lahat ng turista anuman ang edad na nagtatampok ng water-based at slow moving-ride sa loob ng isang madilim na silid.

Inirerekomendang balita