Ipinakilala ni Senador Bato Dela Rosa ang ikalawa niyang apo na pinangalanang “Enzo.”
Sa isang Facebook post ni Dela Rosa noong Biyernes, Agosto 29, ibinahagi niya ang larawan nila ng apo habang karga ito.
“Welcome to the world Enzo, my second grandson! The military or the law enforcement community awaits you,” saad ni Dela Rosa.
Samantala, sa isang hiwalay na post, sinabi ng senador na isinunod umano nila ang pangalan ni Enzo sa great-great-grandfather nitong si Constable Lorenzo Dela Rosa.
Aniya, “My grandson is named Enzo in honor of his great great grandfather, then Constable Lorenzo Dela Rosa who died fighting the Japanese occupation forces in the outskirts of Davao City during World War 2.”
Matatandaang Agosto 2022 nang magkaroon ng apo si Dela Rosa sa katauhan ni Scott na aniya’y posibleng maging politiko pagdating ng panahon dahil sa karisma nito.