December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rich in life: Gabbi Garcia, nakaka-travel dahil sa 'own hard-earned money'

Rich in life: Gabbi Garcia, nakaka-travel dahil sa 'own hard-earned money'
Photo courtesy: Screenshots from Gabbi Garcia (IG)

Tila makahulugan ang Instagram post ni Kapuso actress-TV host Gabbi Garcia matapos niyang i-flex ang ilang snippets ng pagta-travel niya sa iba't ibang bansa.

Mababasa sa caption ng Instagram post ni Gabbi noong Biyernes, Agosto 29: "amen yes to hard earned money and self made queens!! ."

Sa mismong video clips kung saan mapapanood naman ang mga snippet, mababasa ang text caption na "Rich in life 'cause I can travel the world & live my best days with my own hard-earned money."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa kapwa celebrities, at isa na rito si ABS-CBN broadcast journalist Karen Davila.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Aniya, "Exactly. Hard-earned money!"

Saad naman ng Kapuso actor na si Gil Cuerva, "This is the only acceptable flex! Hard-earned money."

Nagkomento naman ng tatlong emojis na may heart-eyes ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto.

Nagkomento rin ang mga netizen tungkol dito.

"Go girl, gamitin ang brilyante! Not the tax money. Enjoy life kesa ambag lang tayo [nang] ambag sa good life ng iba jan."

"Deserve mo po 'yan."

"Mabuhay ang mga nagigising [nang] maaga, nagpupuyat, nagtatrabaho ng marangal para kumita."

"We never ask naman. And you don't have to prove it girl unless guilty ka. Bakit need magparinig?"

"Buti pa 'to yung ibang artista hindi man lang gamitin ang account nila para i-call out yung mga kupal sa lipunan kasi baka friend nila yung mga taong kurakot."

Ang nabanggit na post ni Gabbi, bagama't walang tinukoy kung patama ba, ay naiugnay nga ng mga netizen sa mainit na usapin ngayon sa akto ng korupsyon, lalo na pagdating sa bilyong pondo sa flood-control projects, sa alegasyong nagsasangkot sa ilang mga contractor na kinuha ang serbisyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'

KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Kaugnay nito, nadadamay na rin sa shaming ang mga tinaguriang "nepo babies" o anak ng mga nasasangkot na contractors na umano'y ipinangangalandakan sa social media ang kanilang "lavish lifestyle."

KAUGNAY NA BALITA: Kilalanin: Sino nga ba ang pinag-uusapang si Claudine Co?

BASAHIN: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'