Naglabas ng saloobin si Kapuso comedy star Pokwang sa mga nepo babies na panay ang flex ng maluho nilang pamumuhay.
Sa latest X post ni Pokwang noong Biyernes, Agosto 30, sinabi niyang nagkaroon umano siya ng trangkaso kakatrabaho.
“May trangkaso ako ngayon kaka trabaho para meron silang pang flex ng mga bongga nilang life style!!” saad ni Pokwang.
Dagdag pa niya, “Huy mga nak wag kayo mag de activate ng mga socmed nyo! para alam ng taong bayan na napapasaya namin kayo ”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Kakalokkaaaa.. konti nga lang kita ko sa pagtitinda, napupunta pa sa pang LV bag nila Mamang "
"Mamang bawal magkasakit, papano na ang pang travel nila na galing sa tax ng mamamayang Pilipino."
"Tama ka dyan Mamang"
"Hindi yan sila makaka-relate, Mamang walang empathy kaya walang simpatya"
"Bawal daw magkasakit Mam, hindi maka gala yong mga hinayupak."
"Mamang idol nila si BBM OG na nepo baby charot"
"ang kakapal ng mga mukha ng mga magnanakaw na yan! ultimo pinambili panty nila, galing sa taxpayers..amagin sana pekpek nila at magsara forever para di na sila makatikim ng kantot!"
"Tinitipid mo ang sarili mo at pamilya dahil 35% ng sweldo mo bayad agad sa tax. Yung natira ta-taxan uli. Pati performance bonus mo na wala namang ambag ang gobyerno may buwis. Tapos nanakawin lang at wawaldasin ng sindikato ng mga pulitiko at contractors? Hustisya!"
Matatandaang nagsimula ang pagkondenang ito sa mga personalidad matapos matuklasan ang kaugnayan nila sa mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'
Samantala, ayon naman kay House spokesperson Atty. Princess Abante, mas mabuti umanong tutukan ang problema kaysa i-bully ang mga nepo baby.
Gayunman, nilinaw ni Abante na nauunawaan umano niya ang ilang netizens sa pagkondena bilang paraan ng pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal.
Aniya, “Kasama ‘yan sa paraan din nila as an individual citizen kung paano nila mapapanagot ang mga personality na nasasangkot. Siguro lang kung nagiging sensitive tayo sa bullying ng isa, tingnan din natin lahat.”
“‘Wag tayong maging selective kung saan tayo magiging sensitibo sa isyu ng bullying. [...] But definitely, if dapat may magiging pananagutan, daanin natin sa tamang proseso. At sana mapanagot talaga this time around,” dugtong pa ng House Spokesperson.
Maki-Balita: Panawagan ng House spox: Mas tutukan ang problema kaysa mambully ng nepo babies