Viral ngayon online ang mga tila pabirong pasaring ng aktor at TV host na si Edu Manzano patungkol sa kontrobersyal na anomalyang kinakaharap ngayon ng bansa.
Sa mga Facebook post ni Edu mula noong Huwebes, Agosto 28 hanggang Sabado, Agosto 29 ay nagbahagi siya ng mga Artificial Intelligence (AI)-generated na larawan kung saan makikita siya na nasa harapan ng mga proyektong isinagawa ng gobyerno.
Tila inspired ang mga nasabing post niya tungkol sa naging maingay na usap-usapang “lavish lifestyle” na pinuna ng netizens sa mga “nepo babies” online.
Sa FB post ni Edu noong Huwebes, biniro niya ang mga tao na huwag mag-alala at siya na ang bahala sa “road to forever bill, bill, bill” kaugnay sa programang Build Build Build noon sa rehimeng Duterte.
“Relax, guys… Ako na bahala… Sa road to forever. Bill, Bill, Bill. 20%semento80%kupit,” saad ni Edu caption ng kaniyang unang post.
“Kung dati plot twist lang sa pelikula… ngayon plot hole na sa kalsada,” pahabol pa niya sa comment section.
Sinundan naman agad ito ng dalawa niyang post noong Biyernes kung saan pabiro niyang sinabi sa netizens na abot na agad umano sa kasunod na buhay ang budget niya.
“Second day at work… pero abot na hanggang second life ang budget ko,” ani ni Edu sa post.
“Know your priorities… Hermès muna bago semento,” pahabol pa na komento niya.
Gayon din sa pagbibirong payong ang bagong puhunan sa negosyo at daan para maging stable ang pamumuhay ng isang tao.
“Guys, update sa site: payong helmet infra Keep safe, umuulan na naman,” anang Edu sa sumunod niyang post.
“Bruh, payong is the new investment! Kung wala kang Rolls Royce payong, wala kang financial stability,” makulit na komento ni Edu sa nasabing post.
Hindi pa rito natatapos ang pangungulit ng aktor at nag-post pa siya ngayong Sabado para magbigay ng update umano sa characterize lavish lifestyle niya.
“Good morning, mga taxpayers! Saturday morning, no site visit, no stress. Just Ladurée, a Rolls-Royce payong, and taxpayer money brewed to perfection,” ‘ika ni Edu sa kaniyang caption.
Sa pinakahuling post ni Edu, nagbiro pa siya ng pagpapasalamat sa kape niya at isasapubliko pa niya umano ang sekreto sa yaman ng kaniyang characterize lavish life style.
“Mga taxpayers, thanks sa kape. Keep grinding para sa single-origin beans ko.
Sya nga pala, ilo-launch ko na ang sikreto sa generational wealth. Hindi crypto, hindi networking, just be like me. Abangan…” ayon kay Edu.
Samantala, hindi naman nagalit ang netizens kay Edu at sinabayan pa ng mga ito ang trip ng aktor sa social media.
Narito ang ilang mga komento mula sa mga post ni Edu:
“This is, were our taxes GONE”
“Ako na bahala sa Tag line mo Cong Edu Manzano. Edu Manzano, EDU WOW ”
“Breadwinner nyo kami not by blood but by flood. ”
“Flood is thicker than tap water.”
“I will buy an umbrella too.. with Lamborghini Temerario…”
“Just Ladurée for breakfast is a winner ”
“Branded up to the chinelas”
“Good morning "congtractor" ilang rolls royce umbrella na po collection nyo?”
KAUGNAY NA BALITA: FB post ni Carl Balita tungkol sa 'nepo babies,' pinutakti ng netizens
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'
Mc Vincent Mirabuna/Balita