December 12, 2025

Home BALITA

Kasintahan ng bangkay na natagpuan sa hotel sa QC, arestado

Kasintahan ng bangkay na natagpuan sa hotel sa QC, arestado
Photo Courtesy: QCPD via News5 (YT)

Nasakote na ng pulisya ang dalawang suspek sa likod ng pagpatay sa lalaking nakagapos sa loob ng isang hotel sa Cubao, Quezon City noong Huwebes ng gabi, Agosto 28.

Base umano sa imbestigasyon, mag-isang nag-check in sa hotel ang biktima noong Miyerkules ng gabi, Agosto 27. Lumampas na ang takdang oras niya sa tinutuluyang kuwarto ngunit hindi pa rin siya lumalabas.

Kaya ginamitan na ng master key ang pinto para buksan ang kuwarto. Doon na natagpuan ang mga nakakalat na gamit at mga drug paraphernalia. Maging ang bangkay ng lalaking malapit sa banyo. Duguan at nakatali ang nakahandusay na katawan.

Dalawang lalaki ang nasapul sa CCTV sa isinagawang backtracking ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen. Napag-alamang pinagnakawan din ang biktima. Katunayan, motor pa nito ang ginamit pagkasibat.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Sa ikinasang operasyon ng pulisya, unang naaresto si alyas “James” ng Caloocan na umamin umanong apat na buwan nang kasintahan ng biktima.

Ayon kay Major Jennifer Gannaban, QCPD PIO Chief, madalas umanong pumunta ang magkasintahan sa naturang hotel.

“And ‘pag nagche-check in sila, ang sabi niya, may drug ‘yong jamming na sinasabi niya is nagda-drugs sila,” dugtong pa ni Gannaban.

Kalaunan naaresto rin ang kasabwat nitong taga-Bulacan. Mahaharap ang dalawa sa reklamong robbery with homicide at paglabag sa "Anti-Carnapping Act.”