December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karen Davila sa 'kurakot-shaming: 'It's high time... tama na!'

Karen Davila sa 'kurakot-shaming: 'It's high time... tama na!'
Photo courtesy: via MB

Usap-usapan ang matapang na X post ni ABS-CBN broadcast journalist Karen Davila patungkol sa "kurakot-shaming" o pagsita o pagtawag sa atensyon sa mga akto ng korupsyon sa bansa.

Ang salitang kurakot ay tawag sa taong nagsasagawa ng katiwalian.

Mainit ang usapin ngayon sa akto ng korupsyon, lalo na pagdating sa bilyong pondo sa flood-control projects, sa alegasyong nagsasangkot sa ilang mga contractor na kinuha ang serbisyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kaugnay nito, nadadamay na rin sa shaming ang mga tinaguriang "nepo babies" o anak ng mga nasasangkot na contractors na umano'y ipinangangalandakan sa social media ang kanilang "lavish lifestyle."

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Mababasa sa X post ni Davila, "KURAKOT SHAMING. It’s high time."

"Sa ibang bansa, ang nagnanakaw sa gobyerno nakukulong o naghaharakiri."

"Sa Pilipinas, kina-iinggitan. Tama na."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Sa ibang dako ng Pilipinas, kapalit nito ay buhay. It’s high time for the media to step up ngayon na may matatapang na nagsisiwalat. Ituloy tuloy nang pangalanan. We know that you know sino sino ang mga magnanakaw. Sana wala nang magpabayad at wala nang matakot."

"Tinitipid mo ang sarili mo at pamilya dahil 35% ng sweldo mo bayad agad sa tax. Yung natira ta-taxan uli. Pati performance bonus mo na wala namang ambag ang gobyerno may buwis. Tapos nanakawin lang at wawaldasin ng sindikato ng mga pulitiko at contractors? Tama na!"

"Yes, keep shaming them and their children!"

"Sa ibang bansa once na nabahiran ng corruption ang pangalan resign agad dito sa Pinas, mga walang hiya."

"Hindi na effective ang shaming. Pinagmamalaki pa nga eh. Kailangan sa mga yan iprosecute, ikulong, at bawiin ang ninakaw. But more than that, we need to start sa honest to goodnest na education, with aim at moral revolution."