December 13, 2025

Home BALITA

High school graduate, naging milyonaryo sa pagbebenta ng mga bed sheet

<b>High school graduate, naging milyonaryo sa pagbebenta ng mga bed sheet</b>
Photo courtesy: DTI Asenso Pilipino (YT screenshot), Homey Philippines (IG)

Ibinahagi ng isang 23-anyos high school graduate ang kaniyang  "pagsakses" sa pagbebenta ng bed sheet.

Mula sa pagiging ordinaryong estudyante, milyonaryo na sa edad na 23 si Fresquivel “Chok” Morla sa pamamagitan ng kaniyang negosyong “Homey Philippines,” na naging daan para maiahon ang pamilya sa kahirapan. 

Sa kaniyang panayam sa DTI ASENSO Pilipino kamakailan, ibinahagi ni Chok na bago maging full-time negosyante ay nagsimula siya sa pagiging tagabalot ng mga parcel para sa online sellers habang nag-aaral pa. 

“Ang pinakauna kong work ay tagabalot ng parcel. So, sa mga online seller [ako] yung mga nagbabalot ng mga order nila through online, yun yung naging trabaho ko,” saad niya. 

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Ibinahagi rin ni Chok na bagama’t undergraduate pa siya nitong mga panahong ito, may motibasyon na siyang magtayo ng sariling negosyo, kung kaya naman siya’y naghanap ng trabaho para makakuha ng puhunan.

Pumasok din siya sa pag-o-online selling, kung saan siya’y mas naging maalam sa pagpapatakbo ng negosyo, dito rin ay naging mentor niya ang dating boss at kalauna’y naging business partner. 

Hindi man naging madali ang pagsisimula ng kaniyang negosyo, pero patuloy ang pagpupursige ni Chok sa pagbebenta ng dekalidad na kobre kama at nakatutulong pa ito sa mga Pilipinong mananahi. 

At bago matapos ang panayam, nagbahagi si Chok ng advice para sa mga gustong pumasok sa pagnenegosyo. 

“Mag-focus ka sa own path [mo].  Build your foundation sa pamamagitan ng pag-aaral. Alamin kung saan ka magaling at kung paano ka magiging mahusay sa negosyo,” saad niya. 

“Walang bagay na hindi napag-aaralan, at kapag sarili mo ang bini-build up mo, hindi mawawala ang natutunan mo,” kaniyang dagdag. 

Sean Antonio/BALITA

Inirerekomendang balita