December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Emman Atienza, pumalag sa akusasyong galing sa pondo ng politiko mga gastos niya

Emman Atienza, pumalag sa akusasyong galing sa pondo ng politiko mga gastos niya

Inalmahan ng anak ni GMA News trivia master at TV host "Kuya" Kim Atienza na si Emman Atienza ang mga paratang ng netizens na galing umano sa pondo ng mga kaanak na government officials ang pinang-aaral niya sa ibang bansa, gayundin ang mga personal na gastos niya.

Sa kaniyang TikTok video, sinagot at nilinaw ni Emman ang mga paratang na ito, at sinabing nagmula sa sariling sipag at sikap ng kaniyang mga magulang ang perang ginagastos nila, at hindi mula sa mga kaanak nilang politiko.

Aniya, isa raw sa "most frustrating pieces of misinformation" na ibinato sa kaniya ng bashers niya sa Pilipinas ay ang pagkuwestyon sa kaniyang lifestyle, pag-aaral sa ibang bansa, pagta-travel, at pagbili ng mga damit; na ito raw ay mula sa pondo ng mga politiko, pondo ng gobyerno, at mas malala, pondo mula sa korupsyon.

Nilinaw naman ni Emman na bagama't politiko ang nasa father's side niya.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Kahit anak si Kuya Kim na kaniyang tatay ang dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza, hindi naman daw ibig sabihin nitong nakakatanggap sila ng pera mula sa kanila. 

"Yes, my one grandfather and my aunts and uncles on my dad's side are in politics. But I wanna make it so clear that my immediate family, my sister, my brother, me, my mom, my dad do not get financial support of any means from that side of the family."

Paliwanag ni Emman, breadwinner daw ang kaniyang inang si Felicia Hung-Atienza na mula sa isang Taiwanese family, na nagsikap daw sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga negosyo, at pag-aaral ng kaniyang master's degree; habang ang ama namang si Kuya Kim ay lagpas dekada nang nagtatrabaho sa entertainment industry.

"We do not get financial support from any of my extended family," pagdidiin ni Emman.

Si Emman ay bahagi ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent arm management ng Kapuso Network.

Mainit ang usapin ngayon sa akto ng korupsyon, lalo na pagdating sa bilyong pondo sa flood-control projects, sa alegasyong nagsasangkot sa ilang mga contractor na kinuha ang serbisyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Marami kasi sa mga proyekto ng DPWH ay napag-alamang "ghost" projects lamang.

Kaugnay nito, nadadamay na rin sa shaming ang mga tinaguriang "nepo babies" o anak ng mga nasasangkot na contractors na umano'y ipinangangalandakan sa social media ang kanilang "lavish lifestyle."

BASAHIN: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'