January 26, 2026

Home BALITA

Cardinal David, sa isyu ng lavish lifestyle: Mahalay ‘pag dapat ikinahihiya na, ipinagmamalaki pa!

Cardinal David, sa isyu ng lavish lifestyle: Mahalay ‘pag dapat ikinahihiya na, ipinagmamalaki pa!
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Ibinahagi ni Cardinal Pablo Virgilio David ang homilya raw sa misa noong Biyernes, Agosto 29, 2025.

Sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, pinatungkulan ng nasabing cardinal ang kahalayan daw ng konsepto ng paglaladlad ng korapsyon.

Ayon sa cardinal, maituturing na mahalay ang mga bagay na dapat ikinahihiya, ngunit isinasapubliko pa—kaugnay ng usapin ng marangyang pamumuhay daw ng mga korap na opisyal, kontraktor at kanilang mga anak.

"Mahalay ang tawag natin sa Tagalog kapag inilalantad ng tao sa publiko pati ang mga pribadong parte ng katawan at mga pribadong aktibidad sa kama. Mahalay, kapag ang dapat nilang ikahiya ay ipinagmamalaki pa, kapag ang dapat itinatago ay kusang inilalantad at ipinagyayabang pa," ani David.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Dagdag pa niya, "Mahalay kapag ang lifestyle at ganitong paraan ng biglang pagyaman ay ginagawa pang huwaran ng pag-asenso sa buhay, kapag ang tiwaling kabuhayan ay itinuturing na halimbawa ng diskarte sa buhay."

Idinamay din ni David ang isyu ng online gambling at iginiit na mismong ang gobyerno raw ang gambling lord.

"Lalong mahalay dahil legal na ang online gambling sa bawat cellphone 24/7, at ang gobyerno na mismo ang gambling lord," saad niya.

Saad pa niya, maikokonsidera raw na tawaging "power porn o mahalay na kapangyarihan" ang nangyayari sa isyu ng bansa kung saan isang porma rin daw ng kahalayan ang tila pagtangkilik pa rito ng mismong taumbayan.

"Tawagin natin itong power-porn o 'mahalay na paglalantad ng kapangyarihan.'  At lalong mahalay dahil ang bayan, imbes na masuka ay pumapalakpak, nag-eenjoy, aliw-na-aliw na nanonood sa mga berdugong nakabonnet at nakamaskara," aniya.

Matatandaang umusbong ang malawakang pagpuna sa tila "lavish lifestyle" daw ng mga nepo babies o mga anak ng kontraktor at politko matapos ang  pagputok ng umano’y isyu ng korapsyon sa flood control project at ang talamak na political dynasty sa bansa.