January 05, 2026

Home SHOWBIZ

BINI Gwen sa pagiging patay-gutom sa PBB: 'Hindi ko rin po alam'

BINI Gwen sa pagiging patay-gutom sa PBB: 'Hindi ko rin po alam'
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz, PBB (YT)

Sinagot na ni BINI member Gwen Apuli ang pagiging umano’y patay-gutom na madalas ibinabato sa kaniya ng bashers. 

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Biyernes, Agosto 29, sinabi ni Gwen na kahit siya ay hindi raw niya alam kung bakit siya madalas magutom.

“Hindi ko rin po alam,” sabi ni Gwen. “Kasi sa PBB [Pinoy Big Brother] mentally kulong ka. ‘Yong food, limited. Wala, e. Nagutom ako.”

Matatandaang sa gitna ng kasikatan ng BINI, inungkat ng ilang netizens ang video clip ni Gwen sa loob ng Bahay ni Kuya kung saan makikita na tila ang lakas niyang kumain. 

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

Pero  sa ngayon, naka-move na raw  si Gwen. Obvious naman daw para sa kaniya na may mga tao talagang hindi siya magugustuhan.

Ayon sa kaniya, “Medyo naka-move on na rin po ako do’n sa issue before. Kasi ina-up nga nila ‘yong sa PBB e which is tapos na rin ako magluksa do’n.” 

“Tina-try lang nila i-connect do’n sa issue ulit ngayon ‘yong sa street food po namin, which I don’t get din kasi parang iba naman ‘yong kinain ko do’n sa street food,” dugtong pa ni Gwen.

Matatandaang kabilang si Gwen sa mga napag-initan matapos silang sumalang ng mga ka-miyembro niya noong Hulyo sa sa isang episode ng “People Vs. Food” para tikman at i-rate ang ilan sa iconic Filipino snacks.

MAKI-BALITA: ‘Ang lala ng kaartehan!’ BINI, binatikos matapos lumantak ng Pinoy snacks

Ayon kasi kay Gwen, ang kinakain lang daw niya ay turong walang asukal. Ngunit tila hindi makapaniwala ang ilan sa sinabi niya. Ang alam kasi ng karamihan, may halong asukal ang kinakain nilang turon.

“Mostly talaga sa Bicol, lumaki akong walang sugar ‘yong turon,” paliwanag niya.