December 15, 2025

Home SHOWBIZ

BINI Gwen, iginiit na totoo ang turong walang asukal

BINI Gwen, iginiit na totoo ang turong walang asukal
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Pinatunayan ni BINI member Gwen Apuli na totoo ang turong walang asukal taliwas sa sinasabi ng maraming bashers niya.

Matatandaang kabilang si Gwen sa mga napag-initan matapos silang sumalang ng mga ka-miyembro niya noong Hulyo sa sa isang episode ng “People Vs. Food” para tikman at i-rate ang ilan sa iconic Filipino snacks.

MAKI-BALITA: ‘Ang lala ng kaartehan!’ BINI, binatikos matapos lumantak ng Pinoy snacks

Ayon kasi kay Gwen, ang kinakain lang daw niya ay turong walang asukal. Ngunit tila hindi makapaniwala ang ilan sa sinabi niya. Ang alam kasi ng karamihan, may halong asukal ang kinakain nilang turon.

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Kaya sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Sabado, Agosto 29, sinabi ni Gwen na sanay daw talaga siyang kumain ng turong walang asukal.

“Alam ‘to lalo na kung taga-Bicol po. Hindi ko nilalahat, kasi siyempre iba-iba pa rin. Pero mostly talaga sa Bicol, lumaki akong walang sugar ‘yong turon,” saad ni Gwen.Dagdag pa niya, “Ewan ko, gano’n siguro magluto talaga. Actually no’ng bakasyon namin last time po sa ibang lugar—hindi sa mismong lugar namin pero Bicol pa rin—bumili ‘yong mga tito at tita ko ng turon, wala pa ring sugar.” 

Ayon sa BINI member, bagama’t walang asukal ang karamihan ng turon sa Bicol, malambot umano ang saging na nasa loob ng pambalot nito kaya matamis pa rin ang lasa.

Bukod dito, sinagot din ni Gwen ang puna ng ilang bashers tungkol sa maarte niya raw na pagbgkas sa salitang “turon.”

“Nadala lang po,” paliwanag ng BINI member. “Pasensya na po kasi hindi ko alam ‘yong English ng turon. So, napa-slang na lang tayo.”