Nagpaabot ng pasasalamat at pangakong magbabalik nang mas malakas sa susunod na kompetisyon ang Filipino professional player na si Alex Eala.
Ayon sa Instagram post na ibinahagi ni Eala ngayong Sabado, Agosto 30 kakaibang karanasan umano ang US Open ‘25 para sa kaniya.
“US Open ‘25, what an experience! I’ve never in my life felt so loved on a tennis court[...]” panimula niya sa caption ng kaniyang IG post.
Pinasalamatan din niya ang mga taong sumuporta sa naging karera niya sa nasabing kompetisyon.
“[...] [A]nd for that, I thank you all from the bottom of my heart,” saad ni Eala.
Ayon kay Eala, mas maganda umano sana kung tuloy pa rin ang paglaban niya sa nasabing kompetisyon ngayong linggo ngunit sadyang hindi pa ito ang tamang panahon.
“I wished I could’ve gone deeper this week, but it wasn’t meant to be,” anang Eala.
Nangako ang manlalaro na babalik siyang mas malakas para sa susunod na pagkakataon.
“I’ll be back stronger, but for now, it’s back to work! Salamat, New York,” pagtatapos niya.
Namaalam na nasabing kompetisyon si Eala matapos siyang matalo sa 6-4, 6-3 na iskor sa second-round clash niya kontra sa panlaban ng Spain na si Cristina Bucsa noong Huwebes, Agosto 28 (araw sa Pilipinas).
Matatandaang naging viral online kamakailan ang video clip mula sa isang naging laban ni Eala matapos makita sa kaniya ang isang “very Pinoy” na ekspresyon noong Agosto 24.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Malutong na put***ina?’ Umano’y napamurang expression ni Alex Eala, dinogshow!
“Put***ina” ito ang giit ng netizens sa pagkakabasa nila sa bibig ng makasaysayang pagkapanalo ni Eala.
Si Alex ang kauna-unahang Filipina tennis player na rumatsada ng grand slam win sa single match ng US Open.
Samantala, kasalukuyan ngayong ika-75 ang rank ni Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) sa buong mundo.
KAUGNAY NA BALITA: 19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2
Mc Vincent Mirabuna/Balita