Patay ang isang 10 taong gulang na estudyanteng babae matapos niyang harangan ang kapuwa mag-aaral sa kasagsagan ng isang mass shooting.
Ayon sa mga ulat, pinasok ng isang 23-anyos na lalaki ang isang Catholic School sa Minneapolis, Minnesota, USA at saka pinagbabaril ang mga estudyante at guro sa kasagsagan ng misa.
Dalawang bata ang naiulat na nasawi habang 17 na katao naman ang sugatan sa nasabing pamamaril.
Ayon sa mga ulat, inasinta ng suspek ang mga bata mula sa bintana ng naturang simbahan. Matapos ang pamamaril, bumulaga rin sa mga awtoridad ang wala ng buhay na katawan ng suspek na nagbaril umano sa sarili.
Narekober mula sa suspek ang isang rifle, isang shotgun at isa pang pistol.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad "popularidad" ang umano'y motibo ng suspek na gusto umanong makilala kaya ginawa ang nasabing krimen.
Isang sulat din ang iniwan daw ng suspek na nagsasabing gusto raw niyang nagkikitang naghihirap ang mga bata.