Umalma ang negosyante at lifestyle vlogger na si Camille Co matapos maipagkamali ng ilang netizens na siya si Claudine Co.
Isa si Claudine sa mga nepo baby na pinupuntirya dahil sa kaniyang maluhong pamumuhay na pinangangalandakan niya online sa gitna ng gumugulong na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Ngunit sa isang X post ni Camille kamakailan, itinanggi niyang may kaugnayan siya sa personalidad na kaapelyido niya.
“Imagine my surprise opening my TikTok and discovering a ton of comments because of the viral Co’s. I’m not related to them nor do I know them Why naman Lordttttttt,” saad ni Camille.
Dagdag pa niya, “I’m not an heiress. I’m just a hardworking kween. ”
Matatandaang si Claudine ay anak ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Christopher Co at pamangkin ni ngayo’y Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Basahin: Kilalanin: Sino nga ba ang pinag-uusapang si Claudine Co?
Ayon sa mga ulat, si Christopher ang co-founder umano ng Hi-Tone Construction and Development Corporation, habang si Zaldy naman ay may kaugnayan umano sa Sunwest Group of Companies.
Ang dalawang kompanyang ito ay parehong kasama sa 15 contractor companies na pumaldo sa flood control projects batay sa impormasyong isiniwalat mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.