December 13, 2025

Home BALITA National

Torre, walang sama ng loob kay PBBM: 'Police pa rin naman ako'

Torre, walang sama ng loob kay PBBM: 'Police pa rin naman ako'
Photo courtesy: screengrab Nicolas Torre, Bongbong Marcos/FB

Nilinaw ni dating Police Chief Nicolas Torre III na wala siyang naging sama ng loob sa Pangulo sa kabila ng kaniyang biglaan niyang pagkakasibak sa puwesto.

Sa isang video message na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook page nitong Biyernes, Agosto 29, 2025, nilinaw niyang wala raw siyang naging sama ng loob kay Pangulong Ferdinand “ Bongbong” Marcos, Jr.

“Inuulit ko na wala akong sama ng loob sa ating Pangulo. Nauunawaan ko na kinakailangan n’yang gumawa ng mabibigat na desisyon at ang pagkaalis ko bilang Chief of the Philippine National Police ay isa lamang sa mga ito,” ani Torre.

Dagdag pa niya, “Police pa rin naman ako, and I serve and I still continue to serve at the pleasure of the President and our country.”

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Kaugnay nito, nauna nang humiling sa taumbayan si Torre na huwag aniya siyang kaawaan sa kabila ng sinapit niya mula sa kaniyang posisyon.

“Salamat din sa mga naawa sa akin, ngunit hinihiling ko sa inyo, huwag n’yo kong kaawaan,” ani Torre. In spite of my abrupt removal as Chief of National Police, okay po ‘ko.”

KAUGNAY NA BALITA: Mensahe ni Torre sa publiko: 'Wag n'yo kong kaawaan!'

Samantala, inaasahang nakatakdang pailitan ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang binakanteng posisyon ni Torre bilang PNP Chief matapos kumpirmahin ng Palasyo ang opisyal na pagkakasibak ni Torre mula sa kaniyang posisyon.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bagong PNP Chief

Agosto 26, 2025 nang masibak sa puwesto si Torre bilang PNP Chief. Samantala, paglilinaw naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla, wala umanong nilabag sa batas si Torre sa naging mitsa nang pagkasibak niya sa puwesto.

“He did not violate any laws,” sabi ni Remulla. “He has not been charged with any violation. He's not been charged criminally. It is simply a choice of the president to take the redirection for the PNP,” ani Remulla.

KAUGNAY NA BALITA: Torre, walang nilabag na batas—Remulla