December 30, 2025

Home BALITA

DOTr, nakipag-ugnayan sa isang ride-hailing app para maibsan ang traffic

<b>DOTr, nakipag-ugnayan sa isang ride-hailing app para maibsan ang traffic</b>
Photo courtesy: DOTr (FB)

Nakipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) sa isang ride-hailing app para makapagbigay ng comportable, mas pinamura at pinabuting commute para sa mga Pilipino. 

Sa pagpunta ni DOTr Secretary Vince Dizon sa Grab headquarters sa Singapore, nagpresenta ang mga ehekutibo nito ng carpool system o ride sharing set up, kung saan, ilang pick-up points ang bubuksan para sa mga pasahero na patungo sa magkakalapit na destinasyon. 

Kasama rin sa carpool service ang feature na pagsasakay ng maraming pasahero sa isang pick-up point at drop-off sa iba’t ibang destinasyon. 

Layunin ng ugnayang ito na makatulong sa pagbabawas ng road congestion sa pamamagitan ng carpool service sa ilang partikular na lugar sa kasagsagan ng peak hours at may garantisadong oras ng pag-alis.

‘Huwarang lingkod-bayan!’ Rizal police, kinilala serbisyo-publiko ng namayapang si Rep. Romeo Acop

“President Marcos has stressed that we must move [as] many commuters as possible. This system from Grab will be one of the many ways we can carry more passengers and discourage the use of single passenger vehicles,” pagbabahagi ni Dizon sa kanilang pulong. 

Nagbahagi rin ng pasasalamat si Dizon sa ride-hailing app sa pagbibigay ng mga panukalang magsisigurado sa ligtas at komportableng biyahe ng mga Pilipino.

“Grab PH is the DOTr’s committed partner in providing Filipinos efficient transportation through comfortable and efficient solutions to help commuters save time,” ayon naman kay Grab Philippines Managing Director and Head Ronald Roda.

Ang serbisyong ito ay ilulunsad sa bansa bago matapos ang taong 2025. 

Sean Antonio/BALITA