December 15, 2025

Home BALITA

Sec. Bonoan, pabor sa 'lifestyle check' kahit pangunahan umano ng DPWH

Sec. Bonoan, pabor sa  'lifestyle check' kahit pangunahan umano ng DPWH
Photo courtesy: Senate of the Philippines, MB

Nagpahayag ng pagsang-ayon sa pagpapakita ng “lifestyle check” at Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel “Manny” Bonoan.

Sa naging panayam ni DPWH Sec. Bonoan sa True FM ngayong Biyernes, Agosto 29, inilahad niya na pabor siya sa pag-uutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng lifestyle check ang matataas na ahensya at miyembro ng gobyerno.

Ayon pa kay Bonoan, sang-ayon umano siya maski ang DPWH na ahensya nila ang unang hahanapan ng SALN at lifestyle check kung ito ang ipag-uutos ng pangulo.

“Oo naman po. ‘Pagka required actually to show ‘yong mga SALN kasi pinaiimbestiga[han] ata ng ating presidente, why not po? Okay lang po,” saad ni Bonoan.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Aniya, ipagpapaubaya na lamang ni Bonoan sa itatalaga ng pangulo kung sinoman ang utusan nitong mag-imbestiga sa mga distrito at senior officials ng ahensya ng DPWH at handa umano silang ibigay ang mga kinakailangan dokumento na kakailanganin sa imbestigasyon.

“Kung sino po ‘yong ano, ‘yong sinasabi nga ng ating presidente na imbestigahan ‘yong lifestyle check [at] kung sino po ang mag-iimbestiga then we will make available all the necessary documents that they would need[...]” anang Bonoan.

Matatandaang ipinag-utos ni PBBM ang pagsusuri sa pamumuhay ng mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng gumugulong na imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Sa gitna ng imbestigasyon sa flood control: PBBM, pinag-utos lifestyle check sa mga opisyal

Sa isinagawang press briefing noong Agosto 27, ibinaba ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang anunsiyong nagbaba ng ordinansang ito mula sa pangulo. 

“Ipinag-utos ni Ferdinand Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal sa gitna ng imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control projects,” ayon kay Castro. 

Samantala, nabanggit ni Bonoan na tuloy-tuloy ngayon ang imbestigasyon ng DPWH sa mga maanomalyang flood-control projects. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita