January 24, 2026

Home BALITA

Pulis na may kakaibang raket kapag 'day off,' nasakote ng pulisya!

Pulis na may kakaibang raket kapag 'day off,' nasakote ng pulisya!
Photo courtesy: Pexels

Natimbog ng pulisya ang kakaibang raket ng isang pulis sa tuwing dayoff niya.

Ayon sa ulat ng 24 Oras isang news program sa GMA Network noong Huwebes, Agosto 28, 2025, nadiskubre ng pulisya na isa raw lider ng Gapos Gang ang suspek na isang pulis-Batangas.

Lumalabas sa imbestigasyon na na iba’t ibang uri ng tindahan ang pinapasok ng suspek kasama ang kaniyang grupo kung saan iginigagapos daw nila ang may ari o tauhan ng mga tindahan at saka nila nililimas ang pera at ibang kagamitan doon.

Nakuhanan daw ng magkahiwalay na CCTV footage ang pag-atake ng Gapos Gang sa isang tindahan ng bigas at softdrinks warehouse kung saan nakilala umano ang isa sa mga suspek matapos bumaba ang kaniyang face mask.

Metro

Valenzuela City Councilor, sinita sa umano’y maluhong pamumuhay

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, natukoy nila ang pagkakailanlan ng suspek kung saan kasama sa kanila ring naaresto ang nasabing pulis na isa raw Police Staff Sergeant.

Narekober sa kanila ang sang baril na kalibre .45, mga bala, isang pekeng baril, bolt cutter, mga cellphone, plaka ng sasakyan, at mga barya na kinuha mula sa soft drinks warehouse.

Positibo namang tinukoy ng pulisya ang nasabing pulis na umaatake raw kasama ang kaniyang grupo tuwing day off niya. 

Samantala, nasa kustodiya na nila ang mga suspek na nahaharap sa patong-patong na kaso.