January 01, 2026

Home BALITA National

PBBM, miyembro ng ehekutibo, 'ready' magpa-lifestyle check—Palasyo

PBBM, miyembro ng ehekutibo, 'ready' magpa-lifestyle check—Palasyo
Photo courtesy: screengrab RTVM

Inihayag ng Malacañang na nakahanda raw magpa-lifestyle check ang buong miyembro ng ehekutibo at maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa press briefing ni Palace Press Undersecretary Claire Castro nitong Biyernes, Agosto 29, 2025, nilinaw niya ang tindig umano ni PBBM sa usapin ng lifestyle check na ipinag-utos niya mismo.

‘Yon naman po ang nais ng Pangulo na lahat tayo ay magtulungan upang masawata itong corruption na ito,” ani Castro.

Saad pa niya, “Lahat ng parte ng Ehekutibo ay ready for lifestyle check... lahat po ng ehekutibo ay ready, pati po ang Pangulo.”

National

Mga hindi maipuputok na paputok, isuko na lang sa awtoridad!—PNP

Matatatandaang noong Miyerkules, Agosto 27, nang ihayag ni Castro ang naturang kautusan ni PBBM, matapos ang pagputok ng isyu ng umano’y korapsyon sa flood control project.

“Ipinag-utos ni Ferdinand Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal sa gitna ng imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control projects,” ani Castro.

Matatandaang binakbakan ni Marcos sa ikaapat niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo  ang mga umano’y nangurap sa flood control project na lalong nagpalala ng baha sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'