December 13, 2025

Home BALITA National

Panawagan ng House spox: Mas tutukan ang problema kaysa mambully ng nepo babies

Panawagan ng House spox: Mas tutukan ang problema kaysa mambully ng nepo babies
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA, Pexels

Naghayag ng reaksiyon si House spokesperson Atty. Princess Abante kaugnay sa umano’y pambubully ng publiko sa mga anak at kaanak ng mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'

Sa ikinasang monthly balitaan forum ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) nitong Biyernes, Agosto 29, sinabi ni Abante na mahirap umanong ma-bully sa online world.

“Ang hirap ma-bully online. We’ve all experienced that. But I think now, mas tututok tayo in addressing the problem. And hopefully, the public also will be careful din do’n sa bullying,” saad ni Abante.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Dagdag pa niya, “[The] bullying issue is always sensitive to me personally. May mga ways tayo para panagutin ang mga public officials [na] involved.”

Gayunman, nilinaw ng House spokesperson na nauunawaan umano niya ang ilang netizens sa pagkondena bilang paraan ng pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal.

Ayon kay Abante, “Kasama ‘yan sa paraan din nila as an individual citizen kung paano nila mapapanagot ang mga personality na nasasangkot. Siguro lang kung nagiging sensitive tayo sa bullying ng isa, tingnan din natin lahat.”

“‘Wag tayong maging selective kung saan tayo magiging sensitibo sa isyu ng bullying. [...] But definitely, if dapat may magiging pananagutan, daanin natin sa tamang proseso. At sana mapanagot talaga this time around,” dugtong pa niya.

Samantala—ani Abante—hindi umano hahadlangan ng Kamara kung magkasa ng imbestigasyon ang ehekutibong sangay ng pamahalaan hinggil sa isyung ito.

Matatandaang kamakailan lang ay ipinag-utos na ng pangulo ang lifesty check para sa mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng gumugulong na pagsisiyasat kaugnay sa korupsiyon sa likod ng proyektong pipigil sana sa pinsalang dulot ng pagbaha.

Maki-Balita: Sa gitna ng imbestigasyon sa flood control: PBBM, pinag-utos lifestyle check sa mga opisyal