December 13, 2025

Home BALITA

Mensahe ni Torre sa publiko: 'Wag n'yo kong kaawaan!'

Mensahe ni Torre sa publiko: 'Wag n'yo kong kaawaan!'
Photo courtesy: Nicolas Torre III/ FB

Nagbigay na ng personal na mensahe si dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III hinggil sa kaniyang pagkakasibak sa puwesto.

Sa isang video na kaniyang ibinahagi sa kaniyang opisyal na Facebook account nitong Biyernes, Agosto 29, 2025, may hiling si Torre sa publiko.

“Salamat din sa mga naawa sa akin, ngunit hinihiling ko sa inyo, huwag n’yo kong kaawaan,” ani Torre.

Dagdag pa niya, “In spite of my abrupt removal as Chief of National Police, okay po ‘ko.”

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Ayon pa kay Torre, mas dapat daw na kaawaan ay ang mga Pilipinong palagi raw nabibiktima pa rin ng baha at kahirapan sa tuwing bumubuhos ang ulan.

“Kung mayroon man tayong dapat kaawaan, iyon ay ang milyon-milyon nating kababayan na paulit-ulit nagiging biktima ng palagiang pagbaha…Sapagkat hindi naman sila ang dapat laging nagdudusa at naghihirap tuwing tag-ulan,” ani Torre.

Matatandaang noong Martes, Agosto 26, 2025 nang masibak sa puwesto si Torre bilang PNP Chief. Samantala, paglilinaw naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla, wala umanong nilabag sa batas si Torre sa naging mitsa nang pagkasibak niya sa puwesto.

“He did not violate any laws,” sabi ni Remulla. “He has not been charged with any violation. He's not been charged criminally. It is simply a choice of the president to take the redirection for the PNP,” ani Remulla.

KAUGNAY NA BALITA: Torre, walang nilabag na batas—Remulla

Noong Miyerkules, Agosto 27, nang kumpirmahin ng Palasyo ang bagong posisyong ibibigay kay Torre bagama’t hindi pa nila opisyal na pinapangalanan ang magiging bago niyang posisyon.

Samantala, inaasahang nakatakdang pailitan ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang binakanteng posisyon ni Torre bilang PNP Chief matapos kumpirmahin ng Palasyo ang opisyal na pagkakasibak ni Torre mula sa kaniyang posisyon.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bagong PNP Chief