December 14, 2025

Home BALITA National

House spox Princess Abante, ‘di alam kung nasaan si Zaldy Co

House spox Princess Abante, ‘di alam kung nasaan si Zaldy Co
Photo Courtesy: via MB

Walang impormasyon si House spokesperson Atty. Princess Abante patungkol sa kinaroroonan ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Sa isinagawang balitaan forum ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) nitong Biyernes, Agosto 29, inusisa kay Abante kung pumapasok ba sa Kamara si Co sa kabila ng patong-patong na isyung kinasasangkutan nito.

“Wala po akong impormasyon tungkol diyan,” saad ni Abante.

Matatandaang naungkat sa unang budget hearing ng Kamara ang 2025 National Budget Small Committee Report na hinahanap ni Navotas City lone district Rep. Toby Tiangco kay Co.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Bukod dito, naugnay din si Co sa Sunwest Group of Companies na kabilang sa 15 contractor companies na pumaldo umano sa flood control projects batay sa impormasyong isiniwalat mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Maki-Balita: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?

Maging ang pamangkin niyang si Claudine Co—na anak ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Christopher Co—ay naging sentro din ng kontrobersiya matapos mapuna ang maluho nitong pamumuhay sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects. 

Basahin: Kilalanin: Sino nga ba ang pinag-uusapang si Claudine Co?

Si Co ay dating chairman ng House Committee on Appropriations na kalaunan ay nagbitiw sa posisyon dahil sa kalagayan umano ng kaniyang kalusugan.

Samantala, nakatakda namang magsimula sa Setyembre 2 ang pormal na pagsisiyasat ng House Infrastructure Committee o InfraComm kaugnay sa korapsyon sa likod ng proyektong pipigil sana sa pinsalang dulot ng pagbaha.

Maki-Balita: Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang chairman ng House Committee on Appropriations