December 13, 2025

Home SHOWBIZ

‘Hindi lamang kapamilya, kapuso, kapatid’ Gladys Reyes inaming 3 dekada nang ‘freelancer’

<b>‘Hindi lamang kapamilya, kapuso, kapatid’ Gladys Reyes inaming 3 dekada nang ‘freelancer’</b>
Photo courtesy: Kapamilya Online World (FB)


Inilahad ni “Primera Kontrabida” na si Gladys Reyes ang dahilan sa likod ng kaniyang paglagda sa “Star Magic” management ng ABS-CBN Network.

Matatandaang pumirma ng kontrata sa “Star Magic” ang aktres na si Gladys Reyes noong Huwebes, Agosto 28.

MAKI-BALITA: Primera Kontrabida Gladys Reyes, nasa Star Magic na!-Balita

Ayon kay Gladys, tatlong dekada na siyang “freelancer actress,” dahil umeere ang kaniyang mga teleserye sa iba’t ibang television network.

“For the longest time, even though I’m with Nay Lolit Solis for three decades na po ano, freelance din talaga ako. If you’ll notice, ang mga nagawa kong serye, not just with GMA, also with TV5 ‘di ba, and may nagawa rin akong talk show sa Net 25,” anang aktres.

“So freelance ako, ako ay katrabaho nilang lahat. So hindi lamang kapamilya, kapuso, kapatid, katrabaho ako,” dagdag pa niya.

Paglalahad pa ng aktres, excited siyang gumawa pa ng maraming proyekto kung kaya’t ninais nitong pumirma sa nasabing management.

“So ‘yong sa akin po is what made me decide to sign up with the star magic, ‘yong excitement na sabi ko nga, ang dami ko pang gustong gawin, ang dami ko pang gustong makatrabaho, ‘di ba siyempre, nasa Star Magic din,” aniya.

“And I’m looking forward to more meaningful and challenging projects to come. ‘Yon po, that’s what made me decide to sign up with Star Magic,” dagdag pa nito.

Matatandaang nagsimula ang “biggest break” ng aktres na si Gladys Reyes sa industriya matapos ang kaniyang tanging pagganap bilang “Clara” sa soap operang “Mara Clara” noong 1990, kasama ang “Prime Superstar” na si Judy Ann Santos.

Vincent Gutierrez/BALITA