Inulan ng samu’t saring mga reaksiyon at komento ang Facebook post ng dating senatorial candidate na si Carl Balita patungkol sa isyu ng “nepo babies.”
Laman ng FB post ni Balita noong Huwebes, Agosto 28, 2025 ang isang tanong na kung dapat daw idamay ang anak ng mga opisyal na umano’y nauugnay sa anomalya at korapsyon sa flood control project.
“Tama ba na IDAMAY ang mga ANAK ng mga ABUSADONG opisyal ng pamahalaan at mga ganid na contractors?” aniya sa naturang FB post.
Isa pang tanong ang inilagay ni Balita sa naturang post hinggil naman sa tila pambu-bully raw nepo babies.
“Makatwiran ba na i-bully sila sa kasalanan ng kanilang magulang na nagbibigay sa kanilang tinatamasang karangyaan?” ani Carl.
Bunsod nito, ang nasabing post ay umani na ng 7.2k comments at 14k shares, laman ang samu’t saring mga opinyon ng netizens.
“While you cannot choose your parents, you can choose your own values, integrity, and actions.”
“Yes! To make these people realize that their actions, bad or good can greatly affect their families. Lesson learned the hard way.”
“Partly, possible the next crocodiles.”
“That's not bullying, that's karma at work ”
“From roots to stem and leaves, consequence comes next.”
“For me it's a big no po.”
“I'm sure their children are aware of their parents wrong doings.”
"It's not right to judge someone by the sins of their father."
“Yes, but not in a harmful way.”
“You can run but you can't hide! Damay-damay na ‘yan Sir, Carl!
Matatandaang pumutok ang isyu ng patungkol sa mga anak ng politiko kasunod ng umano’y mga korapsyon sa flood control project. Puna kasi ng netizens, pawang pondo raw ng bayan ang nagsusustento raw sa luho at pribilehiyo ng mga anak ng politikong kurap.