December 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Estudyante, arestado dahil sa bomb threat

Estudyante, arestado dahil sa bomb threat
Photo Courtesy: Freepik

Isang estudyante sa kolehiyo mula sa ibang institusyon ang inaresto sa University of Batangas (UB) dahil sa paglabag niya sa Presidential Decree (PD) 1727 na nagpaparusa sa malisyosong pagpapakalat ng pekeng impormasyon. 

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente noong Huwebes ng umaga,  Agosto 28. Pumasok ang suspek sa loob ng unibersidad at tinanong ng gwardiya ang pakay ng pagbisita nito.

Sumagot umano ang suspek kung “Saan puwedeng maglagay ng bomba?”

At bilang pagsunod sa mahigpit na security protocol, hindi pinapasok ng gwardiya ang suspek at agad na inalerto ang security department ng pamantasan maging ang Batangas City Police Station para rumesponde sa insidente.

Probinsya

Fur mom na nagligtas sa fur babies niya sa sunog, pinarangalan ng Mandaue LGU

Kinilala ang suspek na isang 19-anyos na lalaki mula sa ibang kolehiyo. Ayon dito, magbabayad umano siya ng tuition fee ng kaniyang kapatid sa Cash Management Office ng UB.

Samantala, wala namang kahina-hinalang bagay na natagpuan sa lalaki matapos inspeksiyunin ng mga awtoridad ang mga gamit nito.

Gayunman, dinala pa rin siya sa police station para pormal na sampahan ng kaso kahit biro lang ang sinabi niya. Sakaling mahatulan, posibleng makulong ang lalaki nang higit limang taon at pagmultahin.