December 14, 2025

Home BALITA National

Casanova, nagsalita na matapos palitan bilang KWF chair

Casanova, nagsalita na matapos palitan bilang KWF chair
Photo Courtesy: via Balita, KWF (FB)

Nagsalita na si Dr. Arthur Casanova matapos siyang palitan bilang chair at full-time comissioner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Humalili kay Casanova si Atty. Marites Barrios-Taran na dating director-genreral ng komisyon.

Sa ginanap na media forum nitong Biyernes, Agosto 29, inilatag ni Casanova ang kuwento sa likod ng pagbibitiw niya sa puwesto. 

Ayon kay Casanova, dalawang posisyon umano ang ibinigay ng Palasyo sa kaniya. Una, bilang full-time commissioner na kumakatawan sa wikang Tagalog noong Enero 2020 at bilang tagapangulo ng KWF naman noong Disyembre 2020.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

“Ang ibig pong sabihin, ang aking termino ay pitong taon. At ‘yan po ang nakasaad po sa IRR [Implementing Rules and Regulation] 7104 ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2016 at saka sa R.A. 7104," saad ni Casanova.

Ngunit dahil sa panawagang magbitiw ang mga miyembro ng gabinete noong Mayo 2025, tumalima si Casanova sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

BASAHIN: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

At batay sa liham na ipinadala ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasama umano sa mga tinanggap ng pangulo ang isinumiteng courtesy resignation ni Casanova bilang tagapangulo ng KWF.

Pero ang tila pinagtataka ng dating tagapangulo ay ang paghirang kay Taran bilang full-time commissioner sa wikang Tagalog gayong hindi naman umano siya nagbitiw sa naturang posisyon.

“Ang kuwestiyon po kasi, tulad ng nabanggit ko, bakit nagtalaga ng commissioner sa wikang Tagalog gayong ako naman po ay hindi nagbitiw o nag-resign bilang commissioner na kumakatawan sa wikang Tagalog?” ani Casanova.

Bukod dito, binanggit din niya ang kaduda-dudang kwalipikasyon ni Taran dahil sa kawalan umano nito ng scholarship at konrtibusyon sa wikang Tagalog.

Matatandaang nauna na ring kuwestiyonin ng manunulat at S.E.A Write Awardee na si Jerry Gracio ang paghirang kay Taran sa dalawang posisyong binakante ni Casanova.

MAKI-BALITA: Walang ambag sa wika? Jerry Gracio kinuwestiyon bagong komisyoner, tagapangulo ng KWF